Chapter 2. ALYSSA

4K 110 21
                                    


Alyssa's POV.

Hindi ko kailanman naisip na magpapalit ako ng paaralan. I am very much comfortable with my old school. Though public, teachers are amazing pati na rin ang mga estudyante. Nandoon kasi ang mga kaibigan ko e. I am a very average girl, which is mahirap dahil kahit gusto kong maka oerfect sa mga exams, kahit kailan hindi nangyayari. Perks of being an average.


Okay na ko doon atleast hindi ako medyo napapansin ng iba para tahimik. I don't demand attention naman din. Gusto ko iyong tahimik at tago. Hindi naman kasi ako mahilig magpa pansin. Hindi rin sa nagpapaka nerd, pero ayaw ko lang talaga ng atensyon.



Bale ngayon dito na daw ako mag aaral sa private school, nakakahiya nga e, kasi hindi naman kami ganoon ka yaman. Ewan ko nga kay kuya. Mahirap lang talaga kami. Malinis at maliit ang aming bahay, hindi katulad siguro ng mga estudyante dito na ang yayaman at siguro ang la-laki din ng mga bahay. Hindi ako belong dito. Napa yuko ako.



Si kuya ang nag enroll saakin dito sa Daniela Alvarez University, sosyal nga eh. Hindi naman kasi ako mahilig sa susyalan. Para saakin, mas simple mas maganda. Simula kindergarten hanggang ngayong middle school ay sa public School lang ako nag-aral. Ngayong na transfer ako, hindi ko mawari kung ano ang magiging kinabukasan ko dito. Sana ay masaya at maganda. Baka naman may mga babaeng nangaaway dito ah.



"Alyssa, mga binilin ko ah! Wag mong kakalimutan, magiingat ka ha!" Sabi ni kuya.


Na'ko tong kuya ko talaga, by the way ako pala ang bunso sa magkakapatid. Patay na si papa, si mama naman nasa ibang bansa nagtatrabaho, graduating na kasi ang pangalawa kong kuya eh.



Ang una kong kuya ay si kuya Marco, ayaw niya nga akong ipatawag na kuya marco pala. Gusto niya ate Marga. Napapatawa ako tuwing sinasabi niya iyan. Baklush si kuya ko pero love na love ko 'yon. napaka maalalahanin naman kasi ni kuya ko. Paano namang hinde e Nurse si kuya kaya mapasensya at maalalahanin. Simula nang nangibang bansa si Mama ay siya na ang nag alaga at nag-aruga saamin ni Kuya Kevin.



Si kuya kevin naman, ang pangalawa kong kuya na sobrang nag seseryoso sa buhay. kulang nalang ipa tapon mo dun sa galaxy para lumutang at nang makapag isip isip na masaya ang buhay sa earth, pero love ko rin yun. Love niya din ako kahit sobrang masungit.




"Ahh!" Bigla akong nagulat nang may marinig akong mga babaeng nagsisi tilian. Baka may sunog? Ano ba 'yan, first day na first day. Doon kasi Saamin, nang nasunog ang bahay ng malayo naming kapitbahay ay ganitong ganito ang mga tili nila. Salamat naman sa Diyos at hindi nadamay ang bahay namin sa sunog. Mapuntahan nga!





Tumatakbo ako papunta dun sa nag titilian na mga babae. Nako sana naman ay maagapan ang sunog. Hindi naman sa tsismosa ako pero gusto ko lang malaman ang nangyayari. Baka matulungan ko. Aba! Hindi niyo naitatanong ay nag practice ako sa Red Cross. Pag may Seminar ay sumasali ako, para naman ready pag may gusto ng tulong!








Sa sobrang pagmamadali ko at sa sobrang pagtakbo ko ay may nabunggo akong babae. Ang saya naman Alyssa. Unang Araw ng pasukan, ang ganda ng bungad mo. Bagong paaralan, bagong mga estudyante, bagong ka tangahan. Hinimas ko ang noo ko.






"Ayy! Sorry, Sorry miss!" Aniya.



Ako nga dapat magsorry, ako ang nakabangga. Nakakahiya naman.





"Hala! Hindi ka dapat humingi ng sorry dahil ako talaga ang hindi tumingin sa dinaraanan ko. Sorry ah?" tinulungan niya akong maka tayo at pinulot ang mga hawak ko kaninang mga books na nahulog.







Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon