Alyssa's POVIlang araw na ako sa Hospital dahil inoobserbahan pa ako ng mga Doctor. Hindi ko na maatim ang kalagayan ko. Si kuya Marco sobrang tamlay, nangangayayat na. Sabi ko naman sa kanyang di na niya ako kailangang bantayan araw-araw, oras-oras o gabi-gabi dahil okay na man na ako. Paminsan nga, pagod pa siya galing trabaho pero kapag pumupunta siya dito, sinisikap niya akong alagaan. Kaya mahal na mahal ko siya e. Pero hindi mawala sa isip ko ang mga lungkot, awa, pangamba na namamayani sa mga mata niya.
Ano kaya ang problema? Ako mismo ay nag-aalala na.
Si Arjay din, palaging pumupunta dito para bisitahin ako at pagdalhan ng bulaklak at mga prutas. Masayang masaya na ako doon. Sobra sobra ang pagmamahal na natatanggap ko mula sa aking mga mahal sa buhay. Mahal na mahal ko sila.
Tuwing lumalapit nga siya ay kumakabog ng mabilis ang aking puso sa tuwa. Masaya na ako presensya lang niya ang nandyan. Pero... mababakas rin ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Alyssa.. sa labas lang ako ah? Papunta na si Arjay."
Tumango ako sa sinabi ni kuya kevin. Ayan na naman ang puso ko. Ano na ang nangyayari saakin. Mahihimatay na ata ako! Ohh puso, tumahimik ka.
Ganito ba talaga ang feeling Kapag in love? Kabanas! Kasi iba sa pakiramdam eh. Yung ang saya saya mo. Tapos feeling mo lagi ka pang gutom, kasi tumutunog ang tiyan mo. Lagi naman akong pinapakain. Tapos daig pa ng pagre recitation kung maka dagundong ang puso ko. Nakoooo..
Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng earth, si Arjay Alvarez. Kailangan talaga, kumpleto? Lalag panga ko siyang tinitignan habang naglalakad papunta sa kina roroonan ko.
Paano ba naman kasi, ang fresh looking ng itsura niya. Naka broad shorts na isinigaw ang brand na nike. Naka white V-neck shirt, wayfarers at Havianas na tsinelas. Ang mokong Rich kid!
"Laway mo tutulo na...."
"H-ha?..."
Hinawakan ko ang gilid ng labi ko. Tumulo ba? Wala naman ah. Sinimangutan ko siya pagkatapos ay hinampas sa braso..
"Ouch! " Ang OA!
Tumawa naman siya ng pagak! Grabe maka trip ang isang ito. Hindi ko nga alam kung nililigawan ba ako nito o trip niya lang ako.
"Ouch.. ouch! Di naman yun masakit ah! Kaw kasi pinagloloko mo ako!"
Tumawa siyang muli. At hinahawakan pa ang tiyan na para bang ang sakit sakit no'n.
*pout*
Masama talaga itong taong ito. Ang lakas maka asar. Isang araw, sweet. May araw ding makulit, malambing, masungit. Pero, yun ang nagustuhan ko sa kanya eh.
"Aalis na nga pala kayo dito ngayon. Tutulungan ko na kayo sa pag aayos. Ikaw naman, umupo ka lang diyan.." Sabi niya pagkatapos ay tumawa. Masaya na sana ako dahil aalis na kami kaso di parin pala ako free. Kahit gusto kong tumulobg ayaw nila. Magaling naman na ako. Ni hindi ko nga alam kung may sakit ako o wala.
*pout*
Napatingin siya sa labi ko at sumeryoso ang mukha niya. Hinawakan niya ang aking pisngi at inabot ng kanyang mga daliri ang mga labi ko. Bigla naman siyang natigilan pagkatapos ay lumayo.
"Arrrggh!!" He groaned pagkatapos ay ginulo, gulo ang kanyang buhok. Anong problema ng Mokong na to?!
Tumigil siya pagkatapos ay tumingin saakin. Nakita ko ang pamumula mukha niya at tenga niya. Teka, nagbu-blush ba ito?
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.
Teen FictionIf your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed right before her eyes.