Alyssa's POV"Kuya..."
Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Lumabas ako ng kwarto at Hinanap si kuya Marco.
"Oh... Saan ang lakad mo?" Tanong niya sabay sulyap saakin.
Natagpuan ko si kuya sa Kusina, naghahanda ng Agahan. Maaga pa naman kasi. 6:45 palang ng umaga. Gusto ko kasing mamasyal, gusto kong makalanghap ng Malinis at sariwang hangin.
"Diyan lang kuya, maglalakad lakad lang." sabi ko habang kinukuha ang Cellphone sa bulsa ko. May text kasi.
Sr. Jaybhie
Yats! Di ka pupunta ng School? Kahapon di ka pumunta ah. Ayos ka lang? Tungkol ba ito sa nangyari nung isang araw?
Ako:
Best! Okay lang ako. Hindi naman kasi ako kailangan diyan. Wala naman na tayong gagawin e. Dito lang ako sa bahay.
Sent!
Baka nag-aalala na yun saakin. Wala naman akong gagawin doon. Andun kasi siya dahil miyembro siya ng Student Council, sila nila Xavier at Reishelle.
"Bunsoy, balik ka before mag-agahan ah. Mga..." Sabi niya sabay tingin sa relo.
"7:30.. Okay naman na yun diba? Malayo, layo din ang malalakad mo." Napahagik-hik si kuya sa sinabi niya. Ewan, korni..
"Okay kuya.. Alis na po ako..."
Naglakad na ako palabas ng gate namin. Maganda ang Araw at panahon ngayon. Hindi masyadong Mainit. Ganito ang mga panahong masarap mag lakad lakad at mag Unwind.
Yumuko ako para makita ang suot ko. As usual, simple. Maong na pantalon, rubber shoes, T-shirt na may naka print na GOOD DAY!, at naka watch na kulay white. Nag ponytail din ako.
Abala at masaya ang mga tao sa paligid. Weekdays kasi, kaya abala sila sa pag-punta sa School at work. Sa sitwasyon kasi namin , 5 days daw ang Foundation day ng school kaya depende na daw sayo kung pupunta ka O hinde. Kaya eto ako at naglalakad.
Habang naglalakad-lakad ako ay may natanaw akong pamilyar na pigura ng Babae na mahaba ang buhok, maputi at matangkad.
Nang tuluyan na akong makalapit ay nakilala ko siya.
Elizabeth..
"Eli?..." Noong una di niya ako nakilala, ngunit nung nagtagal, Napasigaw siya.
"ALYSSSSAA!!! Omg! Kumusta?.." Tanong niya pagkatapos kumalas sa pagkakayakap. Naka uniform pa siya. Kulay Blue na Cross Stripe ang Palda nila. Puting blouse at ribbon na kagaya ng kulay at design ng palda. I miss using that.
"Ay! Ayos lang naman, miss ko na kayo! Kumusta na ang School?.."
"Nako! Miss ka na rin namin. Miss ka na ng School. Miss ka na ng Banda. At lalong lalo na miss ka na ni Stan.." Sabi niya at Nahuli niya ang mata ko.
Nagulat ako. Si Stan? Impossible! "Eli, Pakisabi miss ko na rin sila. Bibisita ako kapag may Oras na Vacant."
"Sige ba, Visit ka ah. I'm sure madaming matutuwa at magagalak. Ang Lead Vocalist ng banda ay Babalik sa school..." Sabay kaming tumawa sa pinagsasabi niya.
Lead Vocalist ako ng Bandang 'U TURN' Ewan ko nga kung saan nila nakuha ang pangalan. Balita ko, nahirapan silang palitan ako. Pero okay naman na daw ngayon. Magaling daw ang pumalit saakin.
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.
Novela JuvenilIf your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed right before her eyes.