Alyssa's POV"Bye Yap! Kita nalang tayo bukas. May part ll pa ang Foundation day. Baka nga sabi ng principal dadagdagan niya pa ng isa pang araw. Titignan nalang daw kasi nga mas priority niya ang Academics, pero gusto niya daw ding mag enjoy ang mga estudyante niya. Kaya.. hey! Dika nakikinig!"
Tinapik niya ang balikat ko para makuha ang attention ko. Tulala ako sa mga nangyari kanina. Aaayhstt.. frustrated ako masyado.
"What's with the looks on your face Alyssa? Masyado mo bang dinidibdib ang nangyari kanina? You acted well. Ano ang pinuputok ng butsi mo? Ah. Baka yung ki---"
Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Reishelle. Nakakainis siya! Sobrang daldal niya! Nakakahiya na nga ang nangyari kanina. Tumingin ako sa paligid. Buti na lang walang naka rining. Pero may iilang tumitingin. Siguro ay nakikilala nila ako. Urrggh.
"Reishelle! Wag kang maingay, sigi ka magtatampo ako. Kahit ngayon lang puede bang itikom mo ang malaki mong bunganga??!!"
Galit na ako! Pero di ko parin yon pinapakita sa kanya. Ayokong magalit din siya saakin. Napabuntong hinga na lang ako.
"Ganun ba? Hmmm. Okay ngayon lang ha." Humalakhak siya.
Grabe to. Hindi ba puedeng forever na siyang tumahimik? Para masaya ang buhay? Uuwi na lang ako. Wala siyang kabuluhang kausap.
Naglakad na lamang ako palayo. "Huy! Alyssa! Hintay lang, para ka naman ewan eh. "
Ayan na naman siya. Tumigil na lang ako sa paglalakad ng mabilis para makahabol siya saakin. Napapayuko na lang ako para di mabisto na mapula ang pisngi ko.
"Alyssa, first kiss mo?" pabulong niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya Unti-unti ring umangat ang mga dugo ko sa ulo, or rather sa pisngi. Baka any moment sasabog na lang ako na parang bulkan sa sobrang kapulahan ko. OM!!
"Reishelle, naiinis na talaga ako sayo. Puede bang umalis na lang tayo? Maglalakad lang kasi ako eh. May sundo ka kaya okay lang na matagalan ka. Eh ako? Alis na ako"
Alam niyang alibi ko lang yon. Siya pa eh matalino yan. Totoo din naman iyon na maglalakad lang ako. Busy din kasi si kuya kevin at kuya Marco. May pupuntahan daw e. Kaya di ako masusundo.
"Edi ako na lang ang maghahatid sayo, parating na din naman si manong driver kaya. Dito ka lang. "
Hinawakan niya ang braso ko. Nakakainis wala tuloy akong takas. Naalala ko bigla. Baka makasalubong ko siya. Omgee. Kailangan ko na talagang umalis.
"A-ah. Re-reishelle. I need to go. Please. Please.." Wala akong maisip na dahilan kaya nag please na lang ako. Sana pumayag, ayaw ko talagang magkasalubong kami.
"Ooookay? Bakit ka ba nagmamadali? Sigi na nga. Pero may victory party mamaya ang buong section sa bahay namin. Wag kang mag try, punta ka. Pag di ka pupunta, sasabihin namin kay maam na hindi kita isasama sa grade. Kaya wala kang choice!"
Nako! Napaka hmmmp! Talaga ng babaeng ito. Hindi man lang talaga ako binigyan ng choice. Kailangan ko ang grade na yon. Sigi na nga.
"Sige na nga. Reishelle pag di lang talaga kita kaibigan!!" Nakita kong parang ewang naka ngiti si Reishelle. Napa nguso nalang ako. Para talaga siyang may binabalak mamaya.
Sana mali ang hinala ko.
" Unfortunately, kaibigan mo ako." Tumawa siya ng malakas. Halakhak ata yun. Pfft.
Nagpaalam na ako at lumabas na sa gate. Nang naka layo na ako ay nakampante na ang loob ko. Bumuntong hininga ako. Nakakahiya talaga yong kanina. ..
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.
Dla nastolatkówIf your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed right before her eyes.