Chapter 44

718 18 1
                                    


"Hindi.........ako naka paghintay?"




Yan ang bungad saakin ni Mr. Stranger o Albert daw sabi ni Reishelle kanina. The name is very familiar, parang may gustong ma trigger na memory, isang napaka liit na memorya sa utak ko ang gustong kumawala.

Napayuko ako at hinawakan ang aking sentido. Ang hilig kong mag isip ng mga bagay na hindi naman makabubuti para saakin. Ano bang maidudulot ng pagiisip ko kung sino siya? Sumasakit lamang ang ulo ko.


"A-ah Oo! Kailangan mo naman kasing isauli itong Cellphone ko no! Kaya... salamat." Kinuha ko sa kanyang kamay ang cellphone ko at ngumiti tanda ng pasasalamat.

Tulala siya ng limang segundo nang di ko pa siya tinatapic. Para siyang timang na nakatingin saakin.





"So-sorry! Anyway, ang ganda ng bungad mo saakin ah. Di ka pala morning person?" Tumawa siya na may lamang pangu-ngutya at mabilis na tumakbo paalis.




Kumunot ang noo ko. "KITA NA LANG MAMAYA!!" Sigaw niya galing sa labas.


Nang napagtanto ko ang pahiwatig niya ay napatili ako at umakyat ng mabilis sa kwarto ko"Suskopo!"



Si Jhaybhie ang bumungad saakin pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko, ngunit di ko siya pinansin dahil dumiresto ako sa loob ng banyo.




"My Ghad!" I exclaimed.



Pajama, white sando, swollen eyes, muta at laway! Sa gilid ng bibig! Seryoso to? How come di ko namalayang mukha na akong bruha?!




Lumabas ako ng kwarto at dalawa na sila ni Reishelle ang naroon. "Yaaats! Ba't di mo sinabing malala ang itsura ko paglabas ng kwarto?!" Pagmamaktol ko.

"Seryoso ka? Alangan namang pigilan kita? Kanina pa kamo naghihintay ang bisita mo sa labas-" sabi niya nang sumingit si Reishelle.

"Anong problema sa may bakas ng tuyong laway sa gilid ng bibig?! Ako nga kapag may bisita ako sa bahay iniiwan ko lang! Sign yan na himbing ang-" di rin siya pinatapos ni Jhaybie dahil binatukan na siya nito. "Aray!"


"Gusto mong magkaroon ng tuyong laway? Makakatulog ka nasabi ko sayo Reishelle! kadiri to!" Ani jhaybhie.

Umiling na lamang ako at nagtungo sa banyo. Nakakahiya ang nagyari kanina. Ano kaya ang iniisip niya habang nag-uusap kame? Mabaho ata bunganga ko. Nubayan! Kaka kilala lang nga namin nakita na niya agad ang kabulastugan ko! Kung sinabi nga lang nila ay baka pa nagkapag hugas man lang ako ng mukha at nagmukhang presentable. Ang mga damuhong yuunnn!


Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis. Nagkukulitan parin ang dalawa sa loob kwarto ko. Di ko nga lang alam kung kulitan ba ang tawag dyan O patayan na. Mababasag ata ang mga frames ko. Ghad!


"Oppss! Tama na yan! Maawa kayo sa kwarto ko!"

Nang tumigil na sila ay agad nang tumayo si Jhaybie para kumain ngunit kinurot siya ni Reishelle sa puwetan kaya ang resulta, naghabulan at nagpatayan muli.


Di ko alam kung maabutan ng Kuya ko ang bahay nila o giba na to pag-alis ng mga Amazonang to.



Habang tulog ako kanina ay nagluluto na pala ng agahan si Jhaybhie. Kahit naman mayaman yang babaeng yan responsable naman at maalaga, nagpapaturo sa yaya na mag luto. Kaya naman, masasabi kong masuerte ang mapapang asawa nito. Masuerte si Xavier. Maayos din naman ang mga magulang niya dito na may ari ng Isa sa Hospital sa lugar. Napangiti ako dahil sa hinaba haba ng prosisyon, simbahan ang bagsak nila. Napangiti ako.

Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon