Alyssa's POVNanghihina akong iminulat ang mga mata ko. Dati, nasasabik akong bawat segundong imulat ang mga mata ko para makita at masaksihan kung ano ang susunod na mangyayari sa mundong ito na puno ng mysteryo at kasabikan. Gusto kong makasaksi ng mga bagay na alam kong imposible namang mangyari. Mas nagkakaroon ako ng lakas para bumangon sa Kama ko at magsimula ng magandang araw. Lalo na nang nakilala ko si Arjay.
I am not perfect, I know. But being with him makes my Imperfect world whole, perfect and Complete. When he's around he makes the impossible things possible. Parang magic, na everytime na nadyan siya magkaka butterfly sa paligid, isama na ang tiyan ko. Nag sa-sparkle ang paligid at nagkakaroon ng Fireworks kahit ang totoo niyan ay wala naman. Nabubusog na ako kahit hindi pa naman ako nakakakain. Umaaliwalas ang buong pagkatao ko kapag dumarating siya.
Masyado bang maaga ang pagmamahal ko? Masyado bang magkalayo ang mga mundo namin? Na kahit alam kong kahit ku-konti lang ang kumukontra sa relasyon namin dahil sa nasa modernong panahon na kami. Na lahat ng bagay ay hindi na masyadong hinuhusgahan dahil sa mga Novela na sinusulat ng random na mga Authors na dinudumog ng libo-libo at milton-milyong mga tao. Babae, lalake, bakla, tomboy o bisexual, ay nagbabasa at tanggap ang lahat.
Pero may kaunti paring tumututol. At hindi ko maipagkakailang, hindi lang siya basta simpleng Tao o ordinaryo, Malaki ang Papel niya sa buhay ng lalakeng mahal ko. At hindi ko pala kayang may hahadlang saamin. Nanghihina ako. Masakit. Lalo na at tatay niya iyon.
Napapikit ako. Nakatingin kasi ako kanina sa puting kisame ng Hospital. Tumutulo ng walang humpay ang luha ko. Hinahayaan ko lang na tumulo ito ng tuloy-tuloy,walang tigil ang agos.
Masakit eh. Na kahit gusto mong pigilan, kahit gustong gusto mo na, hindi mo hawak ang utak at desisyon ng ibang tao. Gaya ng luhang umaagos sa mata ko, kahit punasan ko, tuloy tuloy parin at hindi titigil hanggang sa wala na ang sakit.
Problema din kung paano ko ititigil ang sakit na ito. Useless naman din dahil alam kong kahit kailan, hindi ito titigil. Kaya ito masakit dahil mahal ko siya. Pointless. All futile.
May fiance na pala siya. Dalawang taon niya bang inilihim saakin iyon? E ang kay Samarra?
Napahikbi ako dahilan para pigilan at takpan ang bibig ko. Ang sakit.
Paano ba ako napunta sa ganitong klaseng sitwasyon? Isa lang naman sana akong Transferee sa school ng isang Hearttrob. Sana, sana pala hindi na lang ako nagpa transfer. Sana, nung una palang ay umapela na ako at tumutol.
Si Dianne. Alam kaya nila na siya ang nagtangka sa buhat namin ni Samarra? O baka naman ay binaliktad niya ang buong pangyayari kaya niya nakumbinsi ang papa ni Arjay. OH MY GOD! hindi ako ganito mag-isip! Nagiging selfish na ako.
Ba-baka naman, hindi t-talaga ako mahal ni Arjay? Na sa Dalawang taon na yun ay puros pagpapaikot at pagpapahulog ng loob lang ang ginawa niya saakin. Napahikbi muli ako. Ang sakit naman neto. Napupunit ata ang puso ko. Para siyang Operasyon na hindi nilagyan ng anesthesia at bigla na lang hiniwa at tanggalin ang mga dapat tanggalin.
Ilang sandali pa ay nanakaw ang atensyon ko ng nakaawang na pinto ng silid ko. Lantad ang boses ni kuya at nang isang lalakeng hinala ko'y Doctor ko. I past out. Ilang beses. Normal ba ito?
Hindi! Wala naman akong paki-alam e. Wala na akong paki-alam kung may sakit ako. Magpapakagaga na lang ako. Tutal yun naman talaga ang totoo e. I'm stupid!
"Hijo... Lumalala na ang sakit ng Kapatid mo. This is all not normal."
Nanlaki ang mata ko. So totoo nga! May sakit ako. Ayan na naman. Ayan na naman ang paglilihim nila saakin. Diyan naman kasi nagsisimula ang problema eh. Diyan!
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.
Teen FictionIf your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed right before her eyes.