Chapter 38: too much

945 39 6
                                    


Alyssa's POV

Akala ko stable na lahat. Akala ko, matatapos na ang gabi nang walang nangyayari. Akala lang pala lahat...


"You go first. Pagkatapos mo, ako ma naman."

Naka tayo si Arjay sa may pinto ng Kwarto ko habang nagpupunas ng tuwalya sa buhok.


"Paano ka? Baka matuyuan ka. Ikaw na ang mauna, di ka pa naman sanay." Sabi ko sa kanya habang naghahalungkat ng damit sa aparador. May kaunting mga damit si kuya sa may bakuran kung saan hindi natatamaan ng Ulan. Baka tuyo na yun kaya puede na atang gamitin.


"Tsk. Kaysa naman ikaw ang magkasakit. You first! Dali na.." Tinu-tulak tulak niya ako papasok sa banyo. Ako naman ay pinipigilan siya.  Nang bigla siyang tumigil.


"Hmmm. Or maybe," sabi niya habang Himihimas ang baba niya. "Maybe we can take a bath together!  Maganda yun, tipid pa ng--- Ayan na naman ang batok mo mahal!" He groaned.

"Eh ang Manyak mo kasi eh!" Pulang pula na ang mukha ko sa sinabi niya. Siya rin, pula na ang mukha. Alam niyo kung bakit? Pinipigilan niya ang tawa niya.


"Tseh! Diyan ka na nga! Ako na ang mauuna!" Padabog kong sabi. Gulay! Ang init ng mukha ko.


Agad akong pumasok sa loob ng banyo at ni lock ito. Kahit naman mahal na mahal ko yun, may delikadesa rin ako noh.



Tinignan ko ang mukha ko mula sa repleksyon ng salamin. Hinawakan ko ang mga pisngi ko na sobrang pula at init. Napansin ko na kung hindi dahil sa pagka pula ng mukha ko, sobrang putla ko. Ang kulay ng balat ko. Malala na kaya to? Napabuntong hininga ako.


Tatanggapin ko ba ang alok ni kuya na magpaganot kasama si Mama at umuwi at bumalik na lang kapag maayos na ako? Hindi ako natatakot magpagamot. May mas iba akong kinatatakutan. Paano pala kapag nalayo ako at naiwan siya dito, maghahanap na kaya siya ng iba? Paano kapag hindi na ako nakabalik hihintayin kaya niya ako habambuhay? Ganun kaya niya ako ka mahal?


Sa simpleng mga pinag-iisip ko, sumasakit ang puso ko. Hindi ako makahinga kapag na iisip ko.



Tatagalin ko na sana ang damit ko nang Agad na sumakit ang tiyan ko. Ang gamot ko! Nakalimutan kong inumin. Pilit kong nilalajas ang sarili ko para hindi matumba at umalis sa banyo. Mahihirapan si Arjay na kunin ako dito.

"A-arjay..." God! Help me..

I don't want to pass-out. But it seems that kahit ano pang tatag ko, hindi ko hawak ang katawan ko sa ngayon. Anong gagawin ko? Kaya ko pa bang lumaban? Bago ako tuluyang bumagsak sa sahig ng banyo. Narinig ko abg malakas na kalabog sa pinto at ang pagsigaw ni arjay.



"Shit! Alyssa! Dammit! Open the door. ALYSSA!"

______

Arjay's POV

Nainiinip ako sa paghintay sa paglabas ni Alyssa. You know girls ang dami nilang so on in their bodies. Lalabas na sana ako nang may narinig akong malakas na kalabog sa loob. Kumabog ng malakas ang puso ko. Shit! Whats Happening in there?

"Shit! Alyssa! Dammit! Open the door. ALYSSA!"

Malakas kong tinutulak ang pinto. *blag!* Dammit! Open the door Alyssa. Shit! Not now!

*blag*

*blag*

Shit! Ang sakit na ng mga braso ko. Dammit! Paano ba mabubuksan ang pintong ito. "ALYSSA! HANG IN THERE! I'LL GET YOU!"


Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon