Chapter 16. Simple

2.1K 62 4
                                    


Alyssa's POV

This familiar scent of his car. So manly. Nakasakay ako ngayon sa shotgun seat ng kanyang Sasakyan. Isang Aston Martin na bagong labas na model ang Kotse niya. Mahilig si kuya sa kotse kaya alam ko. Ilang million niya kaya to binili. I'm sure di' siya ang bumili neto kundi' parents niya. Wala pa naman siyang trabaho e. I mean obviously, we're Just Grade 10.

Nang niyaya niya akong sumakay, I swear I can compare my feelings to a roller coaster ride. I've Already ride that thing pero mas malala pa ata itong nararamdaman at pag tibok ng puso ko. Masusuka ako sa sobrang kaba.

Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive habang pasulyap- sulyap saakin. What? May dumi ba ako sa mukha? Napatingin na lang ako sa rare view mirror sa labas ng bintana. Nakampante ako nang wala palang dumi. Seriously? What's wrong with me? Bakit conscious ako masyado sa sarili ko.

Nagpatuloy parin siya sa pagda-drive. Mabibingi na ata ako sa katahimikan dito. Tanging tunog lang ng Aircon ang naririnig ko. Tumikhim siya kaya nabaling ang buo kong atensyon sa kanya.

"Alyssa... Uhm... Earlier.. " Gosh! Alam ko na nagsisimula na namang uminit ang mukha ko. Sana di na niya ituloy, baka maging Awkward lang.

"I was... Uhm. I'm .. Sorry.. " hindi siya maka pagsalita ng maayos. Napatingin ako sa kanya. Naka tingin naman siya sa daanan, nang bigla niyang binaling ang mukha niya saakin. Halos mapatalon ako. Nakakahiya!

Nakita ko ang apologetic look sa kanyang mga mata. Ano ba ang ikina so-Sorry niya. Wala naman siyang kasalanan, wala kaming kasalanan sa mga nangyari. Sadyang nakakahiya lang talaga.

"Bakit ka naman nag so-sorry, pareho naman nating hindi alam at hindi gusto ang nangyari?"

Bakit parang contrary ata ng sinabi ko ang gustong sabihin ng puso ko. Ewan! Kahit di ko siya matignan dahil nahihiya ako ay tumingin na lang ako para hindi siya magtakha. Baka maweirduhan e. Pero nang tumingin ako sa kanya nahagip ko rin ang mga mata niyang naka tutok din saakin. Na parang malungkot at balisa. Umiwas siya ng tingin. Ako rin umiwas. Pulang pula na ako. Bakit parang ang layo ata ng bahay namin? Gusto ko nang umalis dito.

"Oo nga... walang may alam at walang may.... gusto.."

malalim at malamig ang kanyang pagkakasabi sa huling salita.

"Pupunta ka sa party?" Tanong niya. Alam kong sinusubukan niyang ibahin ang topic dahil sa awkward na. Kung sana pareho parin ang sitwasyon namin dati. Na magkaibigan kami ay di kami mauubusan ng topic.

Tumango ako bilang pag sangayon. Ayokong magsalita. Baka magkabulol-bulol lang ako. Ayokong mapahiya. Hindi nagtagal ay nabibingi na naman kami sa katahimikan.

"Damn! This silence is Killing me!"

Napatingin na naman ako sa kanya. tapos ay bumaling na lang sa mga paa ang tingin ko. Sorry. wala talaga akong masabi.

"Eh kung buksan nalang kaya natin ang Radyo ng sasakyan mo? Para hindi ka mamatay?" Tumawa na lang ako sa sarili kong joke..

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ngumisi siya. Tss. Alam kong korni!

"Same old Alyssa.. I thought you've chance, but I know you will never"

Natatawa na lang ako. Oo nga, pagdating sa kanya, ako ay ako talaga. Wala at hindi magbabago. Naaalala ko pa nung binibilhan ko siya ng kwek-kwek panay ang tanggi niya. Biniro ko siya nang biniro at kinulit hanggang sa bumigay din. Nandididri talaga siya, pero nung natikman na niya halos pakyawin na niya ang mga tinda ni Manong.

Hindi ko namalayang hahagikgik na pala ako ng manipis.

"Hey! Why are you chuckling there?
I didn't joked."

Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon