Tahimik kaming naglalakad ni Albert sa dalampasigan. Hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad dito. Ang alam ko kanina sumasakit ang puso ko at sinagip ako ng isang taong bago ko lang nakilala. At least someone was able to pull me from that spot. Sobrang sakit na parang gusto na nitong mapunit at madurog. Masakit naman kasi talagang magmahal na ikaw lang ang may nararamdaman tungo sa tao.
Kanina, gusto kong basahin kung ano ba talaga ang laman ng utak niya. Kung nung narinig ba niya ang boses ko ay nagtakha siya at may naalala siya? Siguro para sa kanya ay biro lang ang lahat dati. Na siguro isa lang akong teenager na in love sa kanya. At siya naman na si Mr. Heartthrob ay naaawa lang sa sitwasyon ni Ms. Transferee.
Maybe he never really loved me. Maybe I'm just his bag of stones. Maybe I'm a douche bag.
Hindi kami naguusap ni Albert. Baka alam niya na kailangan ko ng katahimikan. Mabuti na lang at maaasahan ko siya. Kailangan ko lang kasing mag-isa. Hindi ko naman siya mataboy taboy dahil baka magtampo.
Nakasunod lang siya sa likod ko. Dahil huminto ako ay humito rin siya. Ganun rin ang ginawa niya nang napagdesisyunan kong umupo sa buhangin.
Dapat ko na nga siyang tigilang mahalin. Walang patutunguhan ang damadamin kong ito. Lalo lang talaga akong masasaktan. Pero yan ang palagi kong sinasabi simula nang makita ko siya sa loob ng sasakyan niya. Kailan ba talaga ako titigil?
"Alam mo bang kapag may umiiyak sa dalampasigan talaga ang punta ng tao?" Tumingin siya saakin at ngumiti. A genuine smile na palagi niyang pinapakita saakin. He's sincere and it suits him. I really hope that people like him stays for good.
"Bakit?"
He giggled. Tsk. Tsk. Nakakahalata na ako.
"Kasi nga masarap ang simoy ng hangin. Mas napapadali nitong tuyuin ang mga luha sa pisngi natin." Aniya habang nakatingin sa karagatan.
.
Napayuko ako."Dito ka rin ba tumutungo kapag umiiyak ka?"
Umiling siya at yumuko. "Sa electric Fan lang ako. Ang layo naman kasi ng dagat, di ako pinapayagang umalis."
Natawa ako sinabi niya. Nakaka gaan ng loob ang magkaroon ng kaibigan na kaya kang patawanin sa gitna ng problema mo. It seems like I can take my time in knowing him well. He's more than what I expected.
"So electric fan lang pala katapat ng luha? Baliw!" Tumawa kaming pareho. Ilang sandali pa ay huminto na rin.
Kinuha niya ang kamay ko at hinarap niya ako sa kanya. Tinignan niya ng may pagsusumamo ang aking mga mata at pinahid ang luha.
"Diba nga sabi ko sayo, he's not worth your tears. Pero kung gusto mo talagang umiyak, hindi rin naman yan problema. Mas okay na nalalabas mo ang frustrations. Tawagan mo lang ako. I'll always be around." Ngumiti siya.
I frowned. "May kapalit naman ang pagtawag ko sayo?"
Napahalakhak siya at pinitik ang noo ko. "Siempre naman. Ang kapalit ay ang pagsama mo saakin. Kung tatawagan mo ako, ibig sabihin sasama ka saakin para pumunta dito. Yung ang kapalit."
"Huh?"
"Matagal na akong walang masyadong ginagawa sa buhay ko. Gusto kong magkaroon ng kaibigan. Lahat naman kasi sila nasa ibang lugar kaya kailangan ko ng makakausap kapag bored ako." Pagsasaad niya.
"Atsaka, kahit naman medyo wala kang kwentang kausap dahil puros ka pagkasawi ay ayos lang basta meron."
Sinamaan ko siya ng tingin at handa na sana siyang sapukin nang bigla siyang tumayo at lumayo na tawang tawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob meets Ms. Transferee.
Teen FictionIf your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed right before her eyes.