Kabanata 5

564 17 0
                                    

I lazily look at the manila papers on the board. May walong manila papers na kailangan naming kopyahin ang mga nakasulat. Hindi ko pa nga natapos kopyahin ang nasa isang manila paper. Ang dami naman kasi.

I raised my hand to call the attention of my teacher who was sitting comfortably on the edge side of our classroom.

"Ma'am pwedeng picturan ko na lang? Masyado kasing malayo hindi ko masyadong nakikita ang mga nakasulat."

Nagkunwari akong nahihiya at kinamot ang ulo ko. Hindi ko naman talaga kokopyahin, picture lang. Ang dami kaya niyan tapos kokopyahin ko? Hindi naman lahat ng 'yan masasali sa mga questions kung sakaling may exam man o quiz.

Binaba ng guro namin ang kaniyang eye glasses hanggang sa kanyang ilong. Tiningnan niya ako na para bang pinagdududahan ako. Tinaasan niya ako ng kilay. Nako-nako!

"Hindi mo na ako maloloko, Rivera. Palagi na lang ganyan ang excuses mo." Seryosong sabi ng guro sabay balik ng kanyang eyeglasses sa kanyang mga mata.

Tiningnan ako ng mga kaklase ko na mahinang nagtawanan. Tinaasan ko sila ng kilay. What's funny?

Pagod akong nagsulat ulit. Nakakatamad mag aral. True.

"Nakakainis si Ma'am. Kapag ako yong guro kanina, papayagan ko ang gusto ng estudyante ko kasi naranasan ko rin yon." Pagmamaktol ko. Tinawanan lang ako ng kaibigan ko.

Nandito kami ngayon covered court. Nakaupo sa bleacher. P.E. class namin ngayon at naglalaro ng volleyball ang iba naming mga kaklase. Tungkol sa Volleyball ang leksiyon namin ngayon kaya kailangan daw naming maglaro nito. Naghihintay na lang kami sa kung kailan kami naman ang maglalaro. Hindi naman sa pagalingan ang laro basta't magkapag participate lang, okay na.

"Hayaan mo na hindi ka naman magiging guro. Ayaw mo ngang mag aral magiging guro pa kaya." Sabi ni Ashanta at umiiling iling pa. Oo nga naman. Umiling na din ako.

Tiningnan ko ang paligid. Inisa isa kong tinitingnan ang mga kaklase.

"Si Betane?" Tanong ko sa kaibigan ko habang iginala ko ang paningin.

Magkasama pa kami kanina sa canteen. Ngayon ko lang namalayan na wala siya.

"Basketball court." Simple niyang sagot. 

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Binibigyan lang niya ako ng 'I don't know' look.

Bakit pumunta ang babaeng iyon doon? Inis akong tumayo. Mabilis din na tumayo si Ashanta.

"Hep! Hep! Saan ka?" Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"Sa basketball court? Aba! Masasabunutan ko ang babaeng 'yon." Pilit kong tinanggal ang hawak ni Ashanta. Mas hinigpitan lang niya ang hawak sa akin.

Aba't hinayaan lang ng isang 'to pumunta ang kaibigan namin doon?

Inis ko siyang tiningnan. Parang hindi nadala ang dalawa sa nangyari noon.

"Hayaan mo na,  Aubrielle. Alam ni Betane ang ginagawa niya." Malumanay na sabi niya.

"Anong alam, Ashanta? Ganon din ito noon. Bitawan mo nga ako!" Pilit kong tinanggal ang nakahawak na kamay sa akin ni Ashanta. Inis din naman niya ako binitawan.

"Sige pumunta ka doon at mag eskandalo! Makialam ka sa buhay niya! Pakialaman mo ang desisyon niya gayong palagi lang naman siyang sumuporta sayo. Pigilan mo ang kasiyahan niya! Sige puntahan mo siya." Inis na sabi nito, tinulak tulak pa niya ako.

Inis akong umupo ulit. Ginulo ko ang buhok.

Pinuntahan na naman ni Betane ang playboy na basketball player na 'yon. Walang hiya ang lalaking yun at may gana pa talagang makipagkita sa kaibigan namin gayong nagloloko lang naman ang taong iyon.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon