Kabanata 6

489 17 0
                                    


Inilabas ko ang mga notebooks ko sabay kamot sa aking ulo. Examination na namin next week at kailangan ko na talagang magsunog ng kilay para makasagot naman ako. Kahit na sa passing score lang.

Tamad akong mag aral ngunit ayaw ko rin namang bumagsak. Sino ba naman kasing estudyante ang gustong bumagsak?

Nakakailang basa  palang ako sa aking science notebook ngunit tinatamad na agad ako. Nako nako, katamaran nga naman.

Alas syete ng gabi ngayon at balak kong mag study hanggang sa alas dyes ng gabi ngunit hindi ko na yata magagawa pa iyon. Kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa aking tabi. Hindi naman siguro masamang mag online muna ako sa Facebook kahit 5 minutes lang. Baka magkaroon ako ng ganang makapag aral pagkatapos mag online.

Group chat lang naman nagpapaingay ng messenger ko. Puro examination lang ang topic ng mga kaklase ko. Nagpaplano kung anong gagawin para matulungan ang isa't isa na makasagot. Kaklase din naman nila ako kaya siguradong pati ako matutulungan din para makasagot.

Natawa ako ng may nagsabi pang maglagay ng mga notebooks sa cr para kunyaring nagbabanyo pero naghahanap na pala ng answer. Hindi man lang niya naisip na magtataka ang guro kung pasok ng pasok sa banyo ang mga estudyante niya.

I scrolled down on my news feed. May mga iilang shared post sina Ashanta at Betane doon. Hindi sila naka online ngayon kaya sigurado akong nag aaral sila ngayon.

Pumunta ulit ako sa messenger at hinanap ang pangalan ni Gavin. I clicked his name, hindi naman siya online. Nagtype ako ng mga kung ano ano doon. Hindi ko esesend, type lang ang gagawin ko. Sa sobrang bored ko, wala na talaga akong magawa.

Binura ko din naman iyon nang may tatlong dot akong nakita. Wait! He's typing? Hindi naman naka online ang isang to ah. Off status?

Tumayo ako sa aking upuan at sinirado ang notebook na naka bukas. Tinungo ko ang aking higaan 'tsaka ibinagsak ang katawan.

Gabriel De Guzman:
Are you writing a story?

Kunot noo kong binasa ulit ang chat niya. Ako? Nagsusulat ng kwento? Kay tamad ko ngang magbasa, ang magsulat pa kaya ng kwento.

Babanat siya? Tumawa ako sa naiisip ko. Ang corny naman kung ganon.

Ako:
Wala naman.

Tatawa tawa akong naghihintay sa kaniyang reply. Ano naman kayang banat ang nalalaman nito?

Gabriel De Guzman:
Kanina ka pa kasi type ng type wala namang na-e-send  sa akin. Then, are you writing a confession?

Tumawa na ako ng malakas sa kanyang reply. Tinakpan ko nalang ang bibig, baka may makarinig sa akin akalain pa nilang nababaliw ako't tumatawa akong mag isa.

Talaga ba, Gavin? Kailangan ko pa ng confession? Alam mo din naman ang nararamdaman ko. Hindi ko siya papansinin kung wala akong gusto sa kanya. Tsaka tuwang tuwa nga ako sa mga maliliit na bagay na pinaggagawa niya.


Ako:
Kailangan ko pa ba iyon?


Andito lang 'to sa harap ko, nabatukan ko na 'to. Parang ano lang.

Nakangiti na tinuro turo ko ang cellphone. Ikaw, Gavin, kung ano-ano na lang pinaggagawa mo. Ako naman itong loka loka kinikilig na agad.

Gabriel De Guzman:
Then, can I confess my feelings to you?

Uminit ang mukha ko sa reply niya. Tumayo ako sa higaan ko tsaka nagtatalon. Gagi, hindi na ako parang loka loka. Loka loka na talaga. Pambihirang Gavin naman kasi kong ano ano nalang pinagsasabi.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon