Kabanata 14

410 10 0
                                    

"Pinagalitan mo raw, Aubrielle?" si kuya.

Hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang ang lakad ko patungong elevator. Nakasunod siya sa akin.

Poker face akong nakatayo sa loob ng elevator at hindi man lang siya sinagot.

Naiinis siya sa akin kasi pinagalitan ko raw ang bunso namin. Nagsumbong pala ang batang iyon? Samantalang siya iyong nang iinis sa akin. Ayos din, kasalanan ko pa ngayon.

Matagal tagal na din 'yon at ngayon lang siya pupunta dito at pagagalitan ako? Sinundo pa talaga niya ako sa parking lot. Hindi makakapag hintay sa loob ng bahay para pagalitan ako.

"Alam mo na naman ang batang iyon, Aubrielle, matigas talaga ang ulo. Hindi mo na sana pinagalitan. Ayon tuloy, sumasakit na ang mga tenga ng mga magulang natin kakarinig sa mga reklamo niya," inis pa rin niyang sabi hanggang sa makalabas kami ng elevator.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko na parang hindi ko siya narinig. Iyon lang ang sadya niya? Pinuntahan pa talaga niya ako dito? Para lang pagalitan ako?

Mahal na mahal niya ang batang iyon, eh, noh? Kahit na busy siya, pumunta pa talaga siya rito?

"Aubrielle! Nakikinig ka ba?"

Inis ka na niyan, Kuya?

Nang mabuksan ko na ang pintuan ng condo ko, dali-dali kong iniharang ang katawan sa pintuan nang subukan niyang pumasok.

"Hep.. hep.. diyan ka lang. Pinagagalitan mo ako tapos papasok ka sa condo ko? Never," umiling  ako at pagsarhan na sana siya ng pinto pero tinabig lang niya ang kamay ko at siya naang unang pumasok sa loob.

Gulat akong tiningnan siya. Bahay ba niya 'to?

"Trespassing kana, Arielle!"  sigaw ko sa kaniya.

Siya naman ang galit na nakatingin sa akin. Ano ka? Dalawang taon lang ang tanda mo sa akin.

"Watch your words, Aubrielle!"

Tumawa akong tumingin sa kaniya. Nang aasar lang, eh. Galit na agad? Magagalitin pa rin pala.

Umupo siya ng komportable sa sofa. Feel at home, eh? Samantalang ako bawal pumunta ng basta basta sa condo niya.

"Ang sapatos mo, Kuya! " singhal ko sa kaniya.

Problemado niya akong tiningnan. Para bang ako ang nagdudulot ng problema sa buhay niya base sa tingin niya. Oo, kuya alam ko na iyan, problema ako.

Ayos iyan, Arielle, problemahin mo ako, tutal kapatid mo naman ako!

"Bakit ka ba andito? Iyon lang ba ang ipinunta mo? Ang pagmamaktol ni Carrielle?" bigo ko siyang tiningnan.

Pagod siya ngayong tumingin sa akin tsaka humiga sa sofa. Pagod? Bakit dito siya pumunta? Mas malaki naman ang condo niya, dito pa talaga?

"Tawagan mo si Mama, You should apologize to Carrielle, para matigil na siya kakareklamo."

Halos batuhin ko na siya ng bag ko. Ako pa talaga ang manghihingi ng tawad? Tsaka pagod din ako, hindi lang siya ang pagod sa amin. Galing din akong trabaho. Hindi ba pwedeng next time nalang?

"May dadating ngayon. Dito muna kami ng mga kaibigan ko, ginugulo nila palagi ang condo ko," pagod niyang sabi.

Gulat akong tumingin sa kanya. Parang hindi big deal, kuya, ah!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nabato ko na ng bag. Anong akala niya tambayan ng mga kaibigan niya itong bahay ko? Wala nga akong pinapapasok dito maliban sa pamilya ko, tapos siya?

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon