Kabanata 1

1.1K 25 0
                                    

"Okay class, that's all for today." Our English teacher said and exited. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko dahil maagang nag dismissed si ma'am.


"Library tayo, beh?" Betane, one of my bestfriend asked. She grab her bag and stand. Sinimangutan ko siya at inilingan. Wala akong ganang pumunta ng library ngayon tinatamad ako.

"Sige na, may assignment tayo, sasagutan pa natin 'yon." Siya sabay hila sa akin.

"Bukas pa naman ang pasahan 'non kaya bukas na tayo gagawa."

"Hoy, Aubrielle, napakatamad mo gayong assignment 'yang gagawin natin!" singhal ni Ashanta sa akin. Tamad akong tumayo at lumabas ng classroom sumunod naman sila sa akin.

Nang pumasok kami sa library may iilang lang mga estudyanteng naroon oras pa kasi ng klase ngayon. May mga senior high school din na andoon.

Dumiritso ako sa isang lamesa at tsaka tamad na umupo. Ang dalawa ko namang kaibigan ay dumiritso sa lalagyan ng mga libro. Pagkatapos nilang mahanap ang libro na kailangan ay umupo na rin sila sa harap ko.

"Pakopya, ha?" malambing kong sabi sa kanilang dalawa. Pinandilatan ako ng mata ni Ashanta, ngumiti lang din naman si Betane at nag thumbs up sa akin.

"Tumulong ka rin, Beh. Baka nakalimutan mong wala nang salitang kopya sa panahon ngayon? Nagpapakapagod kaming gumagawa ng assignment pagkatapos ay kokopya ka lang? Wag ganun, beh!" Mahina ngunit may diin na sabi ni Ashanta.

Tinaasan ko siya ng kilay. Walang estudyanteng hindi kumopya.

"Sayo ba ako kokopya? Kay Betane naman, huwag kang ano diyan," tamad kong sagot sa kanya.

Pinandilatan na naman niya ako tsaka nagsimula ng magbasa at magsulat. Wala nang magawa sa akin.

I sit comfortably, cross my arms and close my eyes. Magpapahinga muna ako habang naghihintay na matapos sila sa kanilang ginagawa.

Grade 7 ako noon ng makilala ko ang dalawa kong mga kaibigan. Dito ako nag aaral sa elementarya sa lugar namin samantalang si Betane ay sa Manila galing. Si Ashanta ay sa private school siya nag-aral noong elementary.


May hindi man pagkakaintindihan minsan ngunit nagkakaayos din naman kalaunan. Maldita man itong si Ashanta ngunit hindi naman nakikipagtalo sa akin dahil alam naman niyang hindi ako magpapatalo, ito namang si Betane ay tahimik lang. Siya ang tagasaway sa amin ni Ashanta kapag nagsasagutan kami.

Nagulat ako nang may biglang may pumitik ng noo ko. Inis kong iminulat ang aking mata at tiningnan ang gumawa non ngunit napaayos din ng upo ng makita kong si kuya 'yon, masama ang tingin sa akin.

"Anong ginagawa mo, Aubrielle?" Inis niyang tanong sa akin.

Sasagutin ko na sanang wala kasi wala naman talaga akong ginawa ngunit tinikom ko nalang ang bibig dahil baka mas lalong magalit baka hindi lang pitik sa noo ang matanggap ko. Nginitian ko lang siya at tiningnan si Betane.

Nang matapos si Betane binigay niya sa akin ang kanyang intermediate paper na may sagot. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Thank you. Pahingi narin ng papel, ha?"

I copied all her answer then give back it back to her including mine. I look at my brother at pinakita ko sa kanya na tapos na ako. Hindi makapaniwala na tiningnan niya ako.

"Pakipasa na rin. Thank you ulit." Ngiting ngiti kong sabi kay Betane. Wala siyang sinabi ng kahit ano sa akin ngunit si Ashanta ay inis ng tumingin sa akin.

"Huwag ma high blood, Ash, hindi nakakaganda sa kalusugan 'yan." Biro ko sabay tawa ng mahina.

Binatukan niya ako dahil wala na yata siyang masabi sa akin. Pinandilatan ko lang siya sa kanyang ginawa.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon