Kabanata 2

754 22 1
                                    

Humihikab akong nakinig sa klase ng aming Filipino teacher. Masyado kasing mahina at walang kabuhay buhay ang boses niya. Tiningnan ko ang mga kaklase ko ganun din naman sila katulad ko, inaantok na din. Iyong sa harap lang yata ang nakikinig.

Siniko ako ni Ashanta at pinakita sa akin ang ginuguhit niya sa kanyang notebook. Nakatingin na rin si Betane sa notebook ng kaibigan namin.

"Ako ito tapos, si sir Lawrence ito." Tukoy niya sa Mapeh teacher namin.

Mahina kaming natawa ni Betane, paano ba kasi stickman yung drawing niya. Nakaupo ang babae na stickman  tapos nakaluhod iyong lalaking stickman may dalang bulaklak. Napaka-kingkoy.

Kinuha ni Betane ang ballpen ni Ashanta at dinagdagan ng mga heart-heart iyong paligid ng mga stickman. Mahina na kaming nagtatawanan sa likuran. Ako 'yong nagdagdag ng isang stick man sa drawing ng kaibigan ko.

"Tapos ito iyong may gusto sa'yong grade 11." Tinuro ko ang drawing ko na stickman din na may dalang itak.  Nagtawanan pa kami lalo kaya napatingin ang ibang nakakakinig sa tawa namin.

"Kayong tatlo diyan sa likuran, anong pinagkakaabalahan niyo?" Mahinang boses na tanong ng guro namin. Umayos kaming tatlo ng upo at umiiling na nakatingin kay ma'am. Nagpatuloy na din naman si ma'am na parang wala na siyang pakialam sa amin.

Nagsikohan kami at sinisi ang isa't isa.

"Kayo kasi, eh." Natatawang mahina na reklamo ni Betane.

Tinuro ko si Ashanta, siya ang nag simula non.

Siya kasi palagi ang pasimuno ng mga katarantaduhang nagagawa namin. Masyado kasing natutuwa sa lahat ng mga bagay.

Kung ano-ano na lang ang mga ginagawa namin kapag Filipino time kasi hindi naman namin dinig ang boses ng guro dito sa likuran kaya para hindi kami mas lalong antukin, gumagawa na lang kami ng pagka abalahan namin.

Nang lumabas na ang guro namin, nagsitayuan ang ibang kaklase namin para magka katuwaan yung iba may binibiro sila sa mga kaklase namin. May mga sumasayaw sa harap at may mga nagsusulat ng kung ano-ano sa chalkboard.

"Hindi ako papasok bukas," excited na sabi ni Betane.

Hindi naman to basta bastang lumiliban ng klase ah.

"Birthday kasi ni lola sa susunod na araw kaya dadating sina mama at papa." Dagdag pa niya.

Betane and Gavin are currently living at their grandparents house. Dito nag aral si Gavin ng mag grade 7 siya, ganun din naman si Betane. Nag transfer na din dito ng mag grade 7 siya. Galing silang Manila.

"Bakit bukas ka liliban, eh, sa susunod na araw pa pala ang birthday?"

Ngumuso  siya sa tanong ko.

"Papasok ako sa araw ng kaarawan ni Lola, gabi pa naman ang handaan." Tumango tango naman ako sa sagot niya. Kumapit naman si Ashanta sa balikat ni Betane.

"Hindi ba kami invited diyan, Betz?"

Kuryuso narin akong nakatingin kay Betane. Ngumiti siya sa amin.

"Pinagpaalam ko na kayo kay lola. Mahuhuli ba kayo eh sa palagi kayung envited sa mga kasiyahan sa amin."

Tuwang tuwa na nag apiran kami ni Ashanta.

"Excited na nga si lola na makita kayo kasi matagal na raw kayong hindi niya nakikita."

Mas lalo naman kaming natuwa ni Ashanta.

Malapit ang loob ng lola nina Gavin at Betane sa amin ni Ashanta. Puro kasi lalaki ang kanyang mga anak at si Betane lang ang nag iisang babae niyang apo kaya natutuwa siya kapag nakikita niya kami ng kaibigan ko.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon