Kabanata 4

583 17 0
                                    

I wear an off shoulder and a high waisted jeans paired with sneakers. Hinayaan ko lang na nakalugay lang ang mataas at medyo kulot na buhok ko. Nag apply na din ako ng kaonting lip tint.

Simpleng handaan lang naman ito kaya ayos na itong suot ko.

Kinuha ko ang maliliit na kahon na pinaglagyan ko ng regalo ko kay lola 'tsaka ipinasok sa akong maliit na bag.

Alas syete y medya na ng gabi kaya alam kong nagsimula na ang ang kasiyahan doon kina Betane. Alas syete daw kasi magsisimula.

"Pa, Ma, si kuya?" Tanong ko ng makababa.

Nandoon sila ni papa sa sala nanonood ng tv si mama samantalang si papa may binabasang mga papeles.

"Andoon na labas. Kanina kapa hinahanap non." Si mama sabay tingin ulit sa tv.

"Huwag kayong magpagabi Aubrielle at sasabay ka sa kuya pag uwi." Dagdag pa niyang nasa tv pa rin ang mga mata.

Umangat ang tingin ni papa sa akin at tiningnan ang suot ko tsaka nag salita. "Pakiabot ng pagbati namin kay Mrs. De Guzman, Aubrielle, tsaka sabihin mo busy ako at ang mama mo kaya hindi kami makakadalo." Tumango ako tsaka nag paalam na.

Pagkalabas ko nakita ko si kuya na iritadong nakahilig sa kaniyang motor. Nginitian ko lang siya, sinamaan lang niya ako ng tingin 'tsaka sumakay na sa kanyang motor.

"Ang tagal mo." Iritado niyang sabi. Sumakay na lang din naman ako, hindi na sumagot pa.

Pagdating namin, nakita kong hindi naman masyadong marami ang mga panauhin. Simpleng handaan lang naman.

May ari ng lupain na puro mga puno ng mangga ang nakatanim ang mga De Guzman dito sa San Vincente. Sila din ang numero unong supplier ng mga mangga dito sa amin at kahit sa kabilang bayan man.

Nakita ka kaagad si Ashanta, kausap si lola Lolita. Kararating lang din siguro, umalis din naman ito agad dahil pinuntahan si Betane sa kanyang lamesa na may iilang kasama na.

Magkasama kami ni kuyang pumunta sa kinaroroonan ni lola tsaka bumati at nag bigay ng regalo.

"Salamat, mga apo." Ngiti niyang sabi.

Nag pa alam din naman si kuya para puntahan ang mga kaibigan niya.

Nandoon na ang mga kaibigan niya sa kabilang lamesa, may mga ibang kalalakihang kausap. May mga babae na din ang lumapit.

Nakita ko din kaagad si Gavin. Pormal na pormal ang suot ngayon, ibang iba sa palagi niyang suot na uniform sa paaralan. Mas lumitaw ang kanyang kakisigan dahil sa kanyang suot.

Nang makataring si kuya sa kanilang lamesa, nag apiran sila. Gumala naman ang mga mata ni Gavin sa mga panauhin parang may hinahanap at ng makita niya ako na nakatingin sa kanya ay matamis itong ngumiti.

Kumaway na rin siya. Mukhang ako yata ang hinintay na dumating.

My jaw dropped at what he just did. My heart beat so fast just like how it always reacts every time he smiles at me. Halos mapahawak na ako sa aking dibdib.

Damn you, Gabriel Calviene De Guzman! What did you do to my heart? Napalitan din naman ng nakakalokong ngiti ang kanyang ngiti dahil sa aking naging  reaksyon. Ngumiti  na din ako sa kanya sabay iwas ng tingin. Nahihiya ako dahil kitang kita niya ang reaksyon ko kanina.

Nag paalam na din ako kay Lola pagkatapos kong sabihin ang sinabi ni papa sa akin para puntahan ang aking mga kaibigan.

"Late." Puna ni Ashanta pagkaupo ko.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon