Kabanata 29

345 10 0
                                    

Nakangiting lumabas ako ng kusina nang magsimula na mga kasiyahan ng mga bata. Tapos ko nang tulungan sina Mama sa kusina. Naghihiwa lang naman ako ng mga rekados, magaling naman silang magluto kaya sila na.

Maingay pa rin ang labas. Tumulong daw kasi si Gavin at ang mga kasamahang niyang sundalo sa pag le-letchon. Ganiyan ba ang mga ginagawa ng mga sundalong may binabantayang mga terorista?

May mga palarong ginawa naman dito sa loob bago magsimula ang kainan.

Si Kuya ang nagmistulang emcee sa mga pinanggagawa ngayon. Malapit naman kasi siya sa mga bata. Hindi tuloy makasali sa pag iingay sa labas. Sina papa ay andoon din kasi sa labas, kinakausap ang nga kamag anak na dumarating.

"Easy lang. Kahit hindi kayo mananalo, may premyo naman kayong lahat."

Masayang nagtalunan naman ang mga bata. Tiningnan ko Carrielle, seryosong seryoso siyang naglalagay ng mga straw sa botelya na nakahelera. Tsk. Pambata nga!

"Go, Elle!" suporta ng isang bata.

Whoa! Parang ang cute naman. The girl is noisy and prim at the same time. Ito yata ang best friend ni Carrielle na sinasabi ni Mama kagabi.

"Galingan mo, Elle!"

Si Carrielle naman ang sumuporta sa kaibigan niya ngayon. They call each other, Elle. Ang cute ng tawagan ng magkakaibigan. Ang bata pa pero may nabuo ng pagkakaibigan sa kanila.

"Aubrielle, hali ka dito. Ikaw ang mamigay ng prizes."

Lumapit ako kay kuya at pumwesto doon sa mga nilalagyan ng mga papremyo.

"Huwag mong tarayan, ha?" natatawang paalala niya.

Sumimangot ako. "Huwag ka ngang tsismoso!"

Tiningnan ko ang mga bata na nakahelera sa aking harapan.

"Toys or kiss?" nakangiting sabi ko.

Ngumiwi naman si Carrielle na nangunguna sa linya.

"Pera!" masayang sigaw niya.

"Wala sa choices, Bunsoy! Pili ulit."

Ngumiwi siya ulit.

"Matanda na ako para sa laruan. Ayaw ko rin ng kiss, matanda na rin ako para sa mga kiss na 'yan."

Tsk. Tanda my foot.

"O, sige. Tungkod na lang! Tutal matanda ka na diba?"

"Ate!"

Ngumisi ako at ginulo ang buhok niya. Nagbibiro lang naman.

"Hindi naman ako ang hahalik, si Kuya," tinuro ko ang gulat na mukha ng kapatid.

Kumurap kurap siyang tumingin sa akin at sa mga bata. Masayang nagsigawan naman ang mga bata. Gustong gusto nilang si Kuya, kapag ako? Ewan ko talaga.

"You want a kiss? Okay! Free kiss. Come here!" masayang sabi ni Kuya.

Tuwang tuwa nagtakbuhan papunta kay kuya ang mga bata. Ayan! Sa sobrang babaero mo, Arielle, mga bata muna ang atupagin mo ngayon. Kahit mga bata nahuhumaling sa'yo.

Napatingin ako sa mga natitirang bata na nakalinya pa rin sa harap ko.

"We want toys."

Tumango tango ako at binigyan sila.

"I want kiss," ngusong sabi noong isang batang lalaki.

"Sige, hali ka dito."

Masayang naglakad ang bata papalapit sa akin. Kaya lang naunahan na siyang bigyan ng laruan noong batang kaibigan ni Carrielle.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon