Kabanata 40

402 10 1
                                    

"Crush mo 'yon, Aubrielle?"

Kunot noo kong tiningnan ang kapatid ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Sino? Sino doon?" tanong ni Ashanta.

"Yong kaklase ni kuya! Ano nga ang pangalan no'n? 'Yong family of teachers and soldiers!"

May gusto si Aubrielle kay Gio? Kinunotan ko ng noo si Aubrielle na wala man lang pakialam sa pinagsasabi nitong kapatid ko.

"Hoy! Balitaan niyo naman ako! Kayo kayo na lang palagi!"

"Nagtatanong pa nga 'diba?"

"Kahit na!"

Hindi magtatagal ay baka palayasin na itong mga 'to dito sa library. Akala ko ba ay magbabasa 'tong mga 'to?

Kapag nalaman kong may gusto talaga 'to kay Diaz, ako na mismo ang gugulpi sa lalaking 'yon.

"Aubrielle, ano na?"

Tiningnan lang niya ang mga  kaibigan niya na parang naguguluhan sa kung ano man ang pinagsasabi nila. Ang pagpunta dito para magbasa ay hindi ko na nagawa, hindi ako makapag-focus dahil sa usapan nitong magkakaibigan na 'to.

"Ano?"

"May gusto ka ba doon sa kaklase ni Kuya?"

"Don't be ridiculous, Beatrice! Ni hindi ko nga kilala 'yang pinag uusapan niyo. Magbasa kayo! Kung ano ano nalang ang sinasabi niyo!"

There! Gumaan tuloy ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. May taong hindi makatatanggap ng gulpi ko.

Inilingan ko lang si Aubrielle ng lumipat sa akin ang tingin niya.

"What?"

Kahit talaga tingin ay hindi pwede? Grabi naman yata 'to. Titingnan ko siya kung kailan ko gusto! Mata ko naman 'to kaya ako ang magpapasya kung sino ang titingnan ko at gusto kong tingnan ang masungit na babaeng nandito sa harapan ko.

"Louis, kunan ko kayo ng litratong apat! Pwesto kayo!"

Ngumisi si Alexis at umakbay sa babaeng kausap niya. "Halatang mahal na mahal mo talaga ako, no?"

Pareho kaming nagtikhiman ditong tatlo. Gumana na naman ang kahambogan nitong lalaking 'to.

Tiningnan ko ang mga estudyante sa lower section. Nagkakatuwaan na silang nagsayawan at kung sino sino nalang ang naging partner. Kunot noo kong tiningnan si Celestiene ng makitang nakangiti itong may kasayaw. Nang tuluyan ko ng makita kung sino ang kasayaw niya ay parang umusok ang tenga ko. Damn that boy! Kung sino sino nalang ang nakikita kong kasama niyan. Kilala ang lalaking 'yan na papalit palit ng babae.

Lalapitan ko na sana pero natigil ako nang hawakan ako sa braso ni Kaiden.

"Hayaan mo na si Beatrice, look at her, she's happy. Ang kailangan lang nating gawin ay bantayan siya. We should never stop to the things that can make her happy."

"Oo nga, Gab, huwag na nating kunin sa kaniya kung saan man siya magiging masaya. Kung masaktan man siya, nandito naman tayo palagi."

Masamang tiningnan ko ang mga pinsan ko. Kunsintidor talaga kahit kailan.

"Gavin, can I dance with you?"

Inilingan ko lang ang kaklaseng lumapit sa akin. Hindi ako pumunta sa prom na ito para sumayaw. Plus points lang naman ang dahilan kung bakit pa ako nandito.

"Gab, makipagsayaw ka naman, kaya walang kakulay kulay iyang love life mo dahil sa ang layo mo sa mga babae," si Kaiden at tatawa tawang naglakad papunta doon sa may mga taga senior high.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon