Kabanata 43

444 13 0
                                    

Masama nga talaga siguro akong tao dahil kahit na na-hostage at nabaril na ako ay heto parin ako, buhay na buhay. Parang hindi nga ako dumaan sa mga masasakit na pangyayari dahil sa paggising ko ay naramdaman kong kompleto na ulit ako.

Maayos na ang pakiramdam ni Carrielle, hindi na namomroblema ang nga magulang ko at pakiramdam ko wala na akong problema. Paggising ko pakiramdam ko, ayos na ang lahat.

Parang tapos na ako na pagdaanan ang masasakit at halos hindi ko na makakayang mga pangyayari. Kung saka sakali mang may problemang dadating sa akin ay maayos din lahat kasi handa ko namang lampasan lahat 'yun. Hindi na ako tutulad noon na namumuhay ako sa nakaraan ko. Ngayon, magpapatuloy at lalaban ako kasi makakaya ko na.

Mariing ipinikit ko ang mga mata ng makapasok ako sa elevator at humilig nalang sa kung saan. I don't know that coming back to work was this tiring to death. May mga dapat pa akong gagawin. Halos mag resign na ako! Hindi ko lang gusto ang trabaho kong 'to ay baka matagal na akong wala dito.

Nang makalabas ako ng ospital ay hindi na ako nagtagal doon sa San Vincente. Nandoon na din naman si Papa. He can manage the sugarcane plantation. Ayos na din naman si Carrielle. Si Mama na ang nag aalalaga sa kanya. Kuya was also here in Manila. Balik na sa dating buhay.

Nang bumukas ang elevator ay pagod akong naglakad papalabas at bago na nag-type ng passcode ngunit napasigaw ako ng bigla dahil sa may humila sa akin.

Hindi man lang ako makapalag dahil sa bigla na lamang ako nitong binigyan ng mahigpit na yakap. Yakap na ramdam kong nagagalit talaga.

Magsisigaw na sana ako pero natigil ako nang magsalita ito dahilan ng medyo pagkalma ko.


"You liar!"

Kinalma ko nalang ang sarili ko at hinayaan ang sarili na yakapin niya ako. Saang banda ba ako nagsinungaling? Bumalik lang naman ako dito sa Maynila para magtrabaho.

"Ang sabi mo ay hindi mo ako iiwanan!" ramdam ko talaga ang galit niya.

Sa bawat pagbigkas niya ng mga salita ay rinig na rinig doon ang galit. Ang Yakap din niyang hindi katulad ng mga yakap niya noong nakaraan na mahigpit man pero hindi ganito ka higpit na halos hindi na ako makahinga.

Nang bitawan niya ako ay nakumpirma ko ngang galit siya. Hindi lang galit. Galit na galit!

"Why did you left me, Aubrielle?! Am I a joke to you? Pagkatapos mo akong pangakuan na hindi ako iiwan at pipiliin ako palagi ay ganito ang gagawin mo?!"

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya ngunit iniwas lang niya ang kaniyang kamay dahilan ng pagkabigo kong hawakan siya. Okay, it's my fault, again! Tanggap ko naman na kasalanan ko na naman!


Ang supladong lalaking 'to! Hahawakan lang naman ayaw pa akong pagbigyan samantalang siya ay bigla bigla nalang nanghihila at kung makayakap ay akala ay hindi ako tao! Ayos din!

"Sa loob tayo mag usap!" seryoso kong sabi at binuksan ang pinto.

Halos iharang na nga niya ang kanyang sarili sa pinto para siya na mismo ang magbukas.

Galit galitan tapos ganito din pala ang gagawin. Ano 'yun? Galit pero kahit galit ay gentleman pa rin? Paano ko ba nagawang iwanan 'to ng hindi man lang nagawang magpaalam?


Nang makarating kami sa loob ay siya na mismo ang kumuha sa dala dala kong hand bag at inilagay sa may maliit na lamesa dito sa sala at nang makaupo ako ay siya na din ang naghubad ng suot kong high heels. Galit pa talaga siya sa lagay na 'to. Ang sarap naman magalit nito! Kahit galit, nakakahulog pa rin.


Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon