Kabanata 31

378 9 1
                                    

Nagtalukbong ako ng kumot nang marinig ang katok sa pintuan ng kwarto ko.

May mga bisita paring nagkakasiyahan sa labas, rinig na rinig ko hanggang dito ang ingay. Siguro may mga nag iinuman na rin. Halo halo na din kasi ang mga bisita, mga kaibigan ni Papa at Mama at kung sino sino pa, wala din akong alam kung sino pa ang mga 'yon. Si Ashanta at si Alexis lang ang inimbita ko kaya sila lang ang kilala ko. Wala na akong paki sa iba.

Ayaw ko nang lumabas. Dito na lang ako sa loob.

"You okay, Aubrielle?"

Napabangon ako nang marinig ang boses ni Ashanta, papalapit ito sa akin.

"Bakit wala ka doon? " umupo siya katabi ko dito sa kama.

I give her a weak smile.

"Wala akong ganang makisali, Ash."

"Dito na din ako," nguso niyang sabi 'tsaka niyakap ako.

"I missed you, Aubrielle. I'm happy that you came home, matagal ko na 'tong hinintay ang umuwi ka," she sighed heavily, maybe stopping her tears to fall.

Niyakap ko din siya pabalik.

Ang gaan sa kalooban na kahit hindi ko man sila kinontak sa loob ng maraming taon at wala man lang akong pasabi ng umalis ako pero wala silang sinabi ng kahit na ano sa akin. Walang masasakit na salitang natanggap ko. Kahit na sina Gavin, walang kahit na isa sa kanila ang nagtangkang ipaaalala sa akin ang nangyari noon. They respected my choices and I'm thankful for that.

"Nakahinga ako ng maluwag ng makita ka ulit. Huwag ka na sanang umalis. Iniwan niyo ako ni Betane dito. Bakit doon sa Maynila napili niyong magtrabaho? Nakakainis kayo!" hinaplos haplos ko ang likuran niya.

"Doon ka na mag Mayor, Ash, para sama sama tayo," tumawa ako pagkatapos sabihin 'yon, ganon din siya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin tsaka humiga sa kama ko.

"I love San Vincente. It feels like I am born to serve my hometown. Nakakagaan sa kalooban paglingkuran ang lugar na 'to, beh," ngumiti siya habang nakatingin sa akin.

Nakangiti siya pero may kalungkutan sa kanyang mga mata. Hindi ko lang alam kung bakit siya malungkot.

Siguro kung walang nangyari sa akin noon, I'm happy living here in San Vincente now. This place was the witness of the overflowing happiness that I experienced before, but because of that one event, everything changes. I may be born and raised here but I will continue living peacefully away from here.

"We are meant to take different paths and live differently, but I'm not happy about it. Gusto ko magkakasama pa rin tayong tatlo pero this is life, we can't always get what we want."

Humiga na rin ako katabi niya.

"Ganon talaga, Ash. As we get older we just found ourselves parting ways with the people we treasure."

I smiled weakly again. Living away from the people I love was the most painful than parting ways to the people I emotionally attached. Hindi pa ako ready noong malayo sa mga kaibigan at pamilya ko pero wala akong magawa. I'm hurting because of what happened to me, but being away from my love ones makes me more devastated. Masakit pero ayos na rin. Hindi ko pinagsisihan ang pag alis ko. Leaving is hard, but sometimes we need to leave in order to grow.

"But at least si Betane, umuuwi 'yon kapag walang trabaho."

"Kahit na, malayo pa rin kayo. Masakit pala mamuhay ng kulang ang kaibigan, ano?"

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon