Kabanata 11

481 14 0
                                    

Inis akong bumangon at ginulo ang buhok gamit ang dalawang kamay. Tinapunan ko nang matalim na tingin ang cellphone ko, kanina pa ito nag iingay.

Hindi lang kita kailangan, tinapon na kita.

Kinuha ko ito at in-off ang alarm. Para akong zombie na naglalakad patungong bathroom.

Dali dali akong lumabas banyo nang marinig ang ingay ng cellphone. Muntikan pa akong madulas dahil sa medyo basa pa ang mga paa ko.

Umangat ang dalawang sulok ng labi ko nang makita ang tumawag. Video call iyon galing kay Mama. Nakangiti akong pinindot ang answer button, revealing the face of my little sister in the screen.

"Mornin', sis," kaswal niyang sabi na para bang magkaibigan kami. To the point na nine years old pa lang siya.

Tumaas ang kilay ko sinabi niya. Ang batang 'to. Kurutin kita diyan, Carrielle, akala mo at ang tanda mo na.

"Mornin' ka diyan. Bakit ka napatawag? Nasaan ang Inay?"


Nginitian lamang niya ako. Kay aga aga pinapainit nito ang ulo ko.

"I pressed your name by mistake," parang wala lang kanya ang nagawa niya.

Ang batang 'to. Mas lalo pa akong mahuhuli sa trabaho kapag kakausapin ko pa siya.

"Huwag mo akong ma mistake-mistake diyan, Carrielle, nang iistorbo kang bata ka. Ibababa ko na ito. Dami mong alam,"


"I was about to call my friend, then accidentally nga napindot ko ang pangalan mo."

Gulat akong nakatingin sa kanya. Bata ba talaga, 'to? Mukhang hindi, eh. Mabuti at hindi kami magkasamang tumira sa iisang bahay kasi kung nagkataon, tatanda akong wala sa oras.

Saan ba nagmana ang batang 'to at ganiyan kung makaasta? Ampon siguro 'to. Mahina daw ang katawan pero ang mga kinikilos, jusko!


Sino naman kayang 'friend' ang tatawagan niya? May cellphone ang kaibigan niya? Nine years old din?

"Isauli mo yang cellphone ni Mama, kung makaasta ka akala mo cellphone mo iyan. Tsaka dapat sabihin mo, ate, hindi sis. Hindi ako madre!"

Tumawa ako ng malakas kahit hindi naman talaga ako natatawa ng irapan niya ako. This kid!


"Duhhh, I'm calling you sis, not mother nor sister. Magkaiba iyon, hindi madre," maarte niyang hinawi ang buhok.

" Oh, before I forgot. Aatend ka ng birthday party ko, sis, ha? Hindi na kita papansinin pa kung hindi ka pupunta."


Maarte niyang hinawi ang buhok niya tsaka maarte  na rin na kumaway sa akin. Gulat at hindi makapaniwalang nakakatitig ako sa cellphone nang babaan niya ako.

Marahas na tinanggal ang tuwalyang nasa ulo  pa 'tsaka ibinato sa kama. Ang Carrielle na iyon, pinapainit ang ulo ko. Saan ba nag mana ang batang iyon? Pinapasakit ang ulo ko!


Kay bata-bata pa pero ang arte na, paano pag lumaki na? Umiling ako at pumasok sa walk in closet. Hindi ko lang kapatid iyon, matagal ko nang sinabi kay Mama na itakwil na iyon. Masyadong maraming alam. Kakainis.

"O? Galit ka yata buong araw?" si Christine.

Inis akong tumingin sa mga babaeng nagkakagulo habang hinihintay na itapon ng bride ang bouquet.

"Mens?" tumawa niyang tanong. Tinignan ko naman siya ng masama.

Tiningnan pa niya ang pang ibabang bahagi ng aking katawan. Tinapakan ko na, ang daming naiisip nito. Kapag ba galit, menstruation na agad ang dahilan? Diba pwedeng galit lang? Normal namang magalit.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon