Kabanata 19

454 12 0
                                    

"Sa Kuya mo, saan pa ba?" si Ashanta sabay ikot ng mga mata. Taray.

Sa kay Kuya pala niya nakuha ang numero ko. Grabe talaga tong si Arielle, parang hindi busy, sa kung saan saan na lang nagpupunta.

Pagkatapos niyang inikot ang kanyang mga mata, pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.

Oversized na hooded jacket at jogging pants ang suot ko. Ganito naman talaga minsan ang isinusuot ko. I'm not really into wearing blouses or sleeveless shirt. Tinatakpan ko ang alaala ng nakaraan. My scars.

"Akin na nga yan!" si Betane sabay hablot sa remote pero hindi naman niya iyon nakuha kay Ashanta.

Nandito ang dalawang kaibigan ko dito sa aking Condo. Parehong hindi busy kasi pinili nilang hindi maging busy. Charss.

They bring beers. At ang sinasabi kong hindi na iinom ay hindi nagkatotoo dahil hindi ko matanggihan itong mga kaibigan ko. Ang tagal naming hindi nagkita, tatanggi pa ba ako?

"Kdrama," si Ashanta.

"Basketball," si Betane.

Nagtatalo sila kung ano ang papanoorin namin.  Nagkikilitihan pa para makuha ang remote sa kung sino man ang may hawak. Nothings change, isip bata pa rin.

Kapag kasi walang pasok noon at nagkakayayaan kaming bumisita sa kahit kaninong bahay man sa aming tatlo. Ganito palagi ang nangyayari, magtatalo sa kung ano ang panonoorin. Ang nangyayari, wala. Walang kahit na ano ang napapanoood namin.

Kapag kasi may isang pipiliin, magdadamdam ang isa. Kung kami ni Ashanta lagi nalang hindi nagkakasundo sa kahit na ano. Ito naman ang hindi nila napagkakasunduan, ang kung ano dapat ang panonoorin. Walang bibigay at walang nagpapatalo. Palaging sinasabi nila na kung masusunod ng isa ang gusto dapat masusunod rin ang gusto ng isa. Wala dapat matatalo.

Kapag kasama ko sila at ganito ang mangyayari, gusto ko nalang bumili ng isa pang tv at ako nalang mag isa na manonood.

Si Ashanta kasi ay gustong gusto ang manood ng Kdrama, ganon naman palagi kapag may bagong series siyang mapapanoood madadagdagan ang listahan ng gusto niyang kdrama actors. Oppa according to her.

Si Betane naman ay mahilig manood ng basketball. Napapalibutan kasi ng mga kalalakihan sa bahay nila kaya siguro ganon. Hindi na din maiitatanong kung bakit gustuhin niyang makipag relasyon sa isang basketball player.

Umikot ang mata ko ng maalala si Jack. Sila pa kaya? Saan na naman kaya ang taong iyon nangangalap ng mga kakabaihan? Playboy, eh.

"Ano ka ba, Mayora, magpa ubaya ka naman! Binoto pa naman kita," natatawang sabi ni Betane.

Tinawanan lang naman siya ni Ashanta. Umiling siya at inupuan ang remote. Ang remote ng tv ko! Kung makahawak ng remote parang sa kaniya, ah!

"Isa lang naman ang boto mo, tsaka wala kang magagawa kaibigan mo ako kaya dapat lang iboto mo'ko," si Ashanta sabay yakap kay Betane.

Tumingin siya sa akin. Parang may malaki akong kasalanan sa kanya. Sila lang ang nagtatalo, dadamayin pa talaga niya ako?

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano? Ano na naman ang kasalanan ko? Kung makatingin to!

"Magparehistro ka nga doon sa lugar natin, Aubrielle, para naman maiboto mo ako kapag eleksyon," singhal niya.

Aba! May gana pa talaga siyang singhalan ako. Uminom muna ako ng beer tsaka hinarap siya.

"Kapag doon ako boboto, hindi rin naman kita iboboto. Siguro kapag bibigyan mo ako ng pera, sayong sayo na ang boto ko," nilahad ko pa ang palad sa kanya.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon