Kabanata 17

412 10 0
                                    

"Sayaw tayo, Aubrielle," si Ashanta.

Nakatayo na siya sa harap ko ngayon habang dahan-dahang sumasayaw. Mapupungay na talaga ang mga mata niya. Gano'n din naman ang ginawa ni Betane. Tumayo rin siya at ngiting ngiti sa tiningnan ako. Sumasayaw na rin siya, sumasabay sa tugtog.

Medyo ayos na naman ang pakiramdam ko kaya tumayo na ako. Nagpaalam kami kay Gavin. Wala din naman siyang planong sumayaw, hindi nga umiinom. Baka binantayan ang kapatid? Pero matanda na naman si Betane, hindi na niya kailangan pang bantayan.

Wala sigurong ibang magawa kaya sumama nalang sa kapatid niyang pumunta dito.

I raised my hands and bangs my head. Sinasabay ko ang galaw ko sa malakas at mabilis na tugtog ng musika. Sumasayaw ako na parang ako lang ang nandito, walang pakialam sa paligid.

Tumalon talon pa ako habang nakatingala at nakapikit ang mga mata. This is life. Ganito pala kaganda ang sumayaw kasama ang maraming tao na hindi kakilala at walang pakialam sa isa't isa.

Hindi ko na naman mahagilap ang mga kaibigan ko, nakakita siguro ng ibang kasamang sumayaw.

Pinagpatuloy ko ang pagsasayaw ko kahit na wala na ang mga kaibigan ko. Kapag may lumalapit ako na mismo ang lumalayo, mas gusto kong magsaya at sumayaw mag isa.

Nang mapagod ako ay bumalik din naman ako sa lamesa nila ni Betane, wala na kasing tao ang lamesa namin kasama ng mga katrabaho ko. Nagsasayawan na siguro ang lahat.

Nang makabalik ako ay nandoon pa rin si Gavin. Seryoso niya akong tiningnan ng makita niya ako, ngumiti lang naman ako sa kaniya. Humihingal akong umupo sabay kuha ng inumin na nasa sa lamesa tsaka diritsahang ininom iyon.

Namangha ako nang hindi ako makaramdam ng pait. Nga lang ng dagdagan ko ng isang shot ang ininom, umikot na naman ang paningin ko.

Binalingan ko si Gavin na nakatingin lang sa akin. Hindi na niya ako pinigilan, tiningnan lang niya ako na para bang wala naman siyang magagawa kung pipigilan niya ako.

Uminom ako ulit at pinanliitan ng matang tiningnan siya. Nakita ko kasing uminom na rin siya.

"Brokenhearted ka rin?"

He raised his brows and smiled boyishly. God! That smile.

"Hindi." simpleng sagot niya. May ngiti pa rin sa kaniyang labi.

"Bakit umiinom ka? Noong nakaraan din?"

Umiling siya sa tanong ko. Oo nga naman, Aubrielle, paano magiging brokenhearted yan? Pakakasalan na nga niya ang kasintahan niya.

"Hindi lahat ng umiinom, nasasaktan. Ikaw ba, Aubrielle, nasasaktan ka? Naglalasing ka ngayon," poker face niyang tanong pero rinig na rinig ko naman ang tuwa sa boses niya. Kunwari pang nagsusuplado!

Nahimigan kong parang ikinatutuwa niya ang ganitong klaseng usapin. Ang taray, porket in a relationship kung makapavsalita. Ewan ko nalang.

Umiling ako tsaka uminom ulit. Grabe ang dami ng nainom ko. May ikinabubuti din pala ang paglalasing. Mawawala ang hiya sa katawan at saglit na nakakalimutan ang problema.

"Gaya nga sinasabi mo, hindi lahat ng umiinom, nasasaktan. Ang iba nagsasaya, katulad ko," ngiting sabi ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin. Tinabihan ako sa kung saan ako nakaupo. Nang inangat ko ang tingin sa kanya, seryoso niya akong tiningnan.

"Talaga? Masaya ka? Parang hindi naman yata, Aubrielle." diskumpyadong sabi niya.

"Ah, whatever! You can't be brokenhearted, wala ka palang boyfriend," he concluded

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon