Kabanata 32

415 8 0
                                    


"Hindi yata kita nakita kagabi, Aurora. Ayaw mo yata kaming makita."

Umiling ako sa tiyahin ko sabay mano. Bumalik kasi sila dito ngayong umaga kasama ng mga pinsan ko para tumulong sa paglinis ng buong bahay pagkatapos ng handaan. Ganito kasi talaga ang mga taga San Vincente, nagtutulungan sa kung ano man.

"Sorry po, Auntie. Hayaan mo na, nasilayan mo na naman ang maganda mong pamangkin."

"Ewan ko sa'yo," natatawang sabi niya sabay palo ng mahina sa akin.

"Alam kong ang dami ng nagsabi nito sa'yo pero mabuti at naisipan mo ng umuwi. Na miss namin ang batang mataray na manang mana sa aming ina."


Kung hindi ko lang talaga ito tiyahin. Tsk! Masyadong mataray naman iyong Lola ko, doon pa ako ipinangalan. Si Papa ang mana doon, masyadong mainitin ang ulo.

Binigyan ko na lamang siya ng ngiti sabay higop ng kape.

Yay! Kape is life. Ang sarap talaga ng kape pagkatapos ng mapamatay sa atay na inumang naganap kagabi at mapamatay pusong pag iyak ko kagabi. Na friend zone pa ako.


Kahit na hindi kami nagkabalikan ni Gavin, ayos na rin iyon. Ang mahalaga nasabi ko sa kanyang mahal ko siya at handa niyang hihintayin kung kailan pwedeng maging kami na. We need to focus on ourselves now.

Umalis din naman ang tiyahin ko doon sa kusina agad dahil sa sala na naman daw ang kailangang linisin. Sorry nalang. Kahapon ako ang tumutulong, ngayon pass na ako diyan. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover.

Umikot agad ang mata ko tsaka dali daling inilagay sa lababo ang tasang ginamit ko nang makita ko si Andrea na dumaan sa may pintuan. Dumaan lang naman siya, hindi pumasok pero mas mabuti ng makatakas na agad ako baka kung ano ano na namang kabobohan ang marinig ko.

Ang Aurora daw ay bituin. Katangahan overload. Pangalan iyon ng Lola namin, uy! Kung saan saan na sila umabot, pangalan lang naman iyon ng lola namin na ipinangalan sa akin. At tsaka, kahit minsan ang Aurora ay hindi kailanman naging bituin.  Baka pag uuntugin ko silang dalawa ni Joy, e.

Nanggigigil na pinandar ko ang motorsiklo habang nasa harapan ko si Kuya. Sagasaan ko siya, e.

Ako pa talaga ang napag utusang magbayad ng order na pagkain sa kusina ni Lola. Aba'y hindi pa pala bayad 'yon? Porket ayos lang naman daw na ngayon lang bayaran dahil kaibigan naman daw si Alexis. Kung kaibigan edi sana hindi na kami pinagbayad.

"Mukha pa ba 'yang nakikita ko, Aubrielle? Huwag masyadong magmaldita, mukha ka na tuloy gorilla!"

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. Baka nga siya!

"Sagasaan kita diyan, e!"

"Easy! Akala mo hindi ko alam ang sikreto mo at sa kaibigan ko? Hindi ako ang kapatid mo kung hindi ko alam ang lahat tungkol sa iyo!" mayabang niyang sabi.

Edi wow! Tsismoso ka kasi. Ang sarap niyong ipartner ni Ashanta.

"Ayos na ako kay Captain De Guzman, kapatid. Matagal ko nang tanggap."

"Alam ko ding may itinatago kang babae sa akin, Arielle. Hindi mo pa sinasabi, brokenhearted ka pa naman noong nakaraan. Awtss! Sana hindi na kayo magkakaayos."

"Babalikan ako ng asawa ko," seryoso niyang sabi.

Nagtaas ako ng kilay. Anong asawa ang pinagsasabi niya?

"Asawa?! Ilan ba? Hindi ka naman makuntento sa isa."

Bago ko pa siya masagaan  at bago pa niya ako, masugod ay ipinatakbo ko na ang motorsiklo papalabas ng bakuran. Binosinahan ko lang siya ng marinig ang tawag niya sa pangalan ko.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon