Kabanata 26

368 9 0
                                    

"Aubrielle, halika dito!" tawag ni Mama sa akin.

Nasa sala siya at may ginagawang hindi ko alam ko ano ba iyon. Umupo ako sa tabi niya at kinunutan ng noo ang nakababatang kapatid kong maarteng naka de kwatro habang nag seselpon.

Ganda ng buhay ng batang ito!

"Ikaw na ang mamili ng mga kakailanganin bukas sa handaan. Nandito na ang lahat ng dapat mong bilhin, nilista ko na," ibinigay ni Mama sa akin ang listahan at ang perang ipambibili.

"Huwag ka ng tumanggi! Ayaw mong ikaw ang pagdisenyo dito sa bahay para sa kaarawan ng kapatid mo, kaya ikaw na niyan!"

Tinaasan ko siya ng kilay pero winala ko din naman iyon, baka matampal pa niya ako.

"Hindi naman ako nagrereklamo, Ma," mahinang sabi ko.

"Pero tatanggi ka na sana? Nako kilala kita, anak, kahit na matagal tayong hindi nagkasama pero kilala kita kasi anak kita."

Ngumuso ako nang itulak ni Mama ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Mapanakit na yata si Inay ngayon.

"Manang mana iyan sayo! Ang tigas ng ulo!" turong sabi niya sa kapatid kong wala man lang pakialam sa amin ni Mama.

Kumuntra ako sa sinabi ni Mama. Duhh.. Sobra naman yata ang kaartehan at katigasan ng ulo ng batang iyan! Paano nagmana sa akin! Hindi naman ako ganiyan kung umasta.

Noong pagdating ko noong isang araw, iyon lang ang saya saya niyang yakapin at halik halikan ako pero ngayon? Ewan ko nalang, halos hindi na ako pansinin. Sa selpon na lang palagi nakatutok. Walang pakialam sa kanyang paligid.

Halos hindi nga mapansin ang pagdating ni Nathaniel at ni Lolo at Lola. Batang walang pakialam sa paligid.

"Hindi, noh! Sobra naman yata ang batang iyan kaysa sa akin!" reklamo ko kay Mama.

Tumawa lang si Mama tsaka umiling.

"Mana ako sayo, Ate.. Maganda," biglang salita ni Carrielle.

Nilagay pa niya ang palad niya sa kanyang baba para sabihing maganda siya. Duhh...mas maganda ako!

"Hindi ka naman kagandahan! Kamukha mo ang aso diyan sa labas!"

Halos matawa ako nang lukot na lukot ang mukha niyang tiningnan ako. Whatever, Carrielle!

Napasinghap ako ng hawiin niya ang kanyang buhok at mataray na inikutan ako ng mga mata 'tsaka tumingin ulit sa selpon. Whoa! Taray! Sarap tusukin ng mata. Hindi ko lang kapatid 'to, baka matagal ko nang natusok ang mga mata nito.

"Tingnan mo! Mana nga sayo! Maldita," tatawa tawang sabi ni Mama.

"Ayaw ko, Ma! Sa iyo mana 'yan!"

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko para makapagbihis para makabili ng mga kakailanganin sa kaarawan ng batang mana kay Mama.

I wear a ripped jeans paired with a sports bra and a long sleeve jacket. Hindi ko na rin inabala pang talian ang buhok ko, hinayaan ko nalang na malaya itong bumagsak.

Kinuha ko ang sunglasses ko at lumabas ng aking silid. Nagsuot na rin ako ng  sapatos na babagay sa suot ko.

"Ate, sama ako!"

"Bawal!"

Pinanlakihan ko ng mata si Carrielle ng sumunod siya sa akin papuntang kusina. Tiningnan ko siya ng maigi ng mapansing parang ang putla niya at ang buhok ay parang napakanipis naman yata. May dinaramdam ba ito?

"Huwag ka ngang sunod ng sunod!"

Halos maiyak siyang tampalin ang tagiliran ko. Aba ang batang'to!

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon