Kabanata 22

419 11 0
                                    

"Tawagan mo si Mr. Andrews, tell him that the meeting will be moved to seven thirty this evening."

Tinuro ni Christine ang kanyang sarili.

"Bakit ako? Ikaw na, ang sungit ng isang iyon!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong gusto niya, ako ang tatawag? I'm making an invitation here.

"So I'll call him?! I'll do all the work here! Making and sending invitations? Calling and arranging meetings with the vendors?" walang kabuhay buhay kong tanong.

"Sisigawan na naman ako non! Sasabihin niya na namang we're incompetent! "

Ginulo-gulo pa niya ang buhok niya dahil sa sobrang pagkainis.

"Always remember, Christine, he's still our client. "

Walang kabuhay-buhay pa rin ang pagsabi ko. Hindi naman kasi 'to maniniwala sa akin kapag ngingitian ko ito at pakikiusapan ng maayos. Baliktad kasi ang utak.

Sumimangot siya at padaskol na kinuha ang telepono. Mr. Andrews, our client is a short-tempered person. Kaya hindi ako ang umako sa last meeting na ito sa kanya dahil noong nakaraang meeting namin dito sa opisina, napagalitan pa kami dahil sa ang babagal daw naming kumilos.

Palibhasa kwarenta anyos na at ngayon pa lang ikakasal kaya siguro mainit ang ulo kasi gusto na niyang madaliin ang kasal niya. Excited lang, eh?

Nakita ko ang pag ngiwi ni Christine habang nasa tenga ang telepono. Galit na naman siguro ang kausap.

Ngayong alas kwatro dapat ang meeting pero dahil sa tumawag ang kinontak naming florist na hindi daw nila kayang mag supply ng gustong bulaklak na gagamitin ni Mr. Andrews sa kasal, kailangan pa naming kumontak ng ibang florist.

Gusto din yata niyang madaliin ang kasal na kahit sa susunod na araw ay matatapos na namin ang dapat gawin kaya mamomroblema na kami.

As in duhhh! Napag usapan na namin ang tungkol dito noong nakaraan tapos ngayon iniba na niya ang plano? As if naman susundin namin siya. Fix na ang lahat na sa napagkakasunduan na araw at iyon lang talaga na pwede silang magpapakasal.

Pabagsak na ibinaba ni Christine ang telepono at mas nainis yata ngayon.

"Ang sakit sa tenga, Aubrielle! Kesyo, bakit daw ngayon lang sinabi?! Tayo na nga ang nag adjust, tayo pa ang mali! Nanggigigil ako sa lalaking iyon, ah! Kung hindi lang kliyente!"

Tahimik ko lang naman siyang tiningnan. Walang planong kakausapin siya. Baka ako pa mapagbuntunan ng galit.

"Kapag hindi ko gusto ang sasabihin niya mamaya sa akin! Gigilitan ko talaga siya ng leeg!" galit pa rin niyang sabi.

Kahit sina James at Cole ay tahimik lang na pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Walang kahit na sinong nagtangkang magsalita.

Ano ba ang magagawa namin? Kliyente namin iyon. Close sila sa CEO nitong kompanya, kapag tatanggihan namin, baka kami pa ang matanggal sa trabaho.

Ako kasi dapat ang makikipag meeting sa kliyenteng ito pero dahil sa may utang si Christine sa akin noong nakaraan. Ako ang pumunta sa dapat na meeting niya dahil sa may emergency na nangyari sa kanya, ako ang pumunta kaya ngayon dapat ay na siya naman. Ayos din dahil hindi ko rin naman gustong makipag meeting sa kliyenteng 'to. Baka ano pa ang magawa ko, pikon pa naman ako kahit na sa trabaho pa ang pinag uusapan.

What a very tiring last work before I can take my leave.

Nagkatinginan kaming tatlo dito sa opisina nang umalis na si Christine. Oras na para sa meeting nila ni Mr. Andrews.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon