Kabanata 8

491 14 0
                                    


"Ibababa ko na talaga ito at baka nakakaistorbo na ako."  Pinilit kong ipinatunog na seryoso ang boses ko.

Baka kasi nakaka istorbo na ako. Busy pa naman sila at may research defense pang ginagawa ngayon.

"No. I'm not busy."

Inikot ko ang mga mata ko at kunyaring bumuntong hininga. Anong hindi busy? Sabi ni Kuya, busy daw sila kasi research defense nila ngayon. Tapos hindi daw? Nako-nako at ang taong 'to nagsinungaling pa talaga.

"May research defense daw kayo sabi ni Kuya."

"Wala na. Magsisimula na ang practice para graduation namin sa linggong ito tapos tsaka lang kami mag re research defense? Niloloko ka lang ng Kuya mo, Aubrielle." Medyo may katuwaan sa kanyang boses. Masaya ka na niyan Gavin?

Si Kuya talaga. Ano kayang makukuha niya sa pagsisinungaling sa akin?

"Edi wow." Padarag kong sagot.

Rinig ko namang tumawa siya sa kabilang linya. Tumawa narin ako. Natutuwa ako at hindi na siya naiinis. Ang bilis naman mawala ang inis niya.

"Ikaw ba? Wala kang ginawa diyan? Baka busy ka? Practice?"

Kung may bibig lang sana ang mga bermuda grass ay baka kanina pa nila ako minumura. Ang dami ko na kasing nabunot.

"Wala din."

Mukha na akong tanga ngayon dito. Naka-ngiti habang pinagdidiskitahan ang mga damo.

"Saan ka ba? Puntahan kita diyan."

Kung pwede, bakit hindi? Humiga ako sa bermuda grass at nakangiting nakatingin sa napaka asul na kalangitan. This is life.

"Nandito ako sa open field pero bawal ka dito. Senior ka na." Kunyari tutol ako sa gusto niya.

Gusto ko siyang nandito pero baka nakakaistorbo na ako sa kanya. Nasa paaralan kami pareho kaya baka may kung anong ginagawa siya.

"Okay. Hindi na lang." Mabilis niyang sagot.

Gulat akong napabangon sa pagkakahiga. Aba! Ang bilis yata niyang magbago ng isip.

"Gavin!" Inis na ko siyang sinigawan. 

Tinawanan lamang niya ako kaya nagtaas ako ng kilay. What's so funny?

Narinig ko ang mga boses nina Kaiden at Alexis sa kabilang linya. Nagulat siguro sa pagtawa ni Gavin. Andiyan kaya si Kuya? Hindi naman siguro niya alam na ako ang kausap ni Gavin, diba? Ang O.A pa namang mag isip non.

"Paasa ka. Sige ako nalang ang pupunta diyan."

Masaya kong kinuha ang bag ko na nasa tabi at tumayo.

"Bawal ka dito, Aubrielle. Pupuntahan kita diyan." Seryoso niyang sabi.

Yun naman pala.

Ibinalik ko ang bag sa kinalalagyan nito kanina at bumalik ako sa pagkakaupo. Binanaba ko na ang tawag, pupuntahan naman daw niya ako dito.

Humiga ulit ako sa bermuda grass. Kay ganda talaga ng kalangitan ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang kalangitan. It's Mother Earth's beauty.

Hindi din naman nagtagal ay nakita ko si Gavin na nakatayo sa harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway-kaway pa.

Nakatayo sa harapan ko ngayon ang lalaking hihintayin daw ako pero parang hindi naman yun totoo. Ang landi lang kasi.

Bumangon ako. Tumabi din siya sa akin at itinabi ang kanyang bag sa bag ko.

Nilingon ko siya, nginitian. Naka uniform siya ngayon. As usual.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon