Kabanata 30

364 7 0
                                    


I smile as I wash the dishes. Siguro kung matagal na sana akong umuwi, matagal ko na sanang naranasan ang ganitong klaseng kasiyahan. Kumpleto ang miyembro ng pamilya at nagkakatuwaan. Duwag lang talaga ako dahil sa sinunod ko ang sinasabi ng aking isipan na hindi ako pwedeng umuwi baka mas lalong hindi ko makakalimutan ang mga nangyari sa akin.

"Ang saya naman pinsan namin," siniko ako ni Joy, pinsan ko.

"Boylet, Bituin?" kinindatan ako ng isa ko pang pinsan na para bang kilig na kilig.

Inilingan ko sila. Kapag ba ngumingiti lalaki na agad ang iniisip? Diba pwedeng natutuwa lang talaga? Ma issue 'tong mga 'to, e.

Lima kaming naghuhugas ng pinggan dito sa kusina. Ang dalawa ay binayaran lang ng mga magulang namin para tumulong at ang dalawa ay mga pinsan ko. Masyado kasing maraming mga bata ang dumating kaya kailangang tumulong na ako sa paghuhugas baka maging bundok na ang mga pinggan sa sobrang dami.

"Sino ba 'yan, Bituin?"

"Gwapo?"

"Baka taga Maynila? Long distance? " umiling si Joy na akala'y ayaw na ayaw ng long distance.

"Wala. Masaya lang. Kayo talaga, kung ano ano nalang ang mga iniisip niyo," natatawang umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Iniisip ko noon, kahit na nasa malapit ang mga pinsan ko sa side ni Papa malayo ang loob ko sa kanila kumpara kina Sheila at Nate. Hindi kasi sila namamansin noon, masyadong namimili ng mga kakaibiganin. Minsan akala ko nga sila na din mismo ang naninira sa akin kasi masyadong mapanghusga kung makaasta pero na realize kong hindi pala iyon totoo. You only need to approach them first, nahihiya din kasi silang lumapit kasi katulad ng tingin mo sa kanila ang tingin nila sa'yo.

"Kunwari ka pa! Sa tagal mo sa Maynila, wala? Sus! Kami ngang kahit sawang sawa na ang pagmumukha ng mga lalaki dito sa San Vincente, Sinasagot parin namin kapag nanliligaw. Dagdag sa collection!" maarteng sabi ni Andrea, nag apiran pa sila ni Joy kahit na ang daming bula sa mga kamay nila.

"Dagdag sa listahan!"


"Magaganda ang lahi natin! Dapat tayo ang magpapaiyak sa lalaki! Nasa dugo na natin iyan!" proud na sabi ni Joy.

Malakas akong tumawa dahil sa pinagsasabi nila. Hindi yata kami pareho ng dugo. Sa buong buhay ko isa lang ang lalaking minahal ko at ako pa ang umiyak at nasaktan. Sila ni Kuya bagay silang magkadugo, masyadong makamandag.

"Huwag kang tatawa tawa diyan! Dapat ikaw ang mataas na ang listahan sa mga lalaking napaiyak. Isa ka pa namang bituin."

Natatawang tinaasan ko ng kilay si Andrea. Ang sarap pakainin ng pinggan. Bituin? Lalaking napaiyak? Listahan? Mandatory ba 'yan? Diba pwedeng mabait lang talaga ako at wala silang maaasahan sa akin sa bagay na 'yan kasi wala akong paki sa mga lalaki. Pinaiyak na nga ako ng isa dadagdagan ko pa? Ano 'yon uubusin ko ang luha ko at masasaktan ako ng sobra dahil sa lalaki? No way! Sapat na ang isa.

Listahan?  May ganon bang klaseng requirements?

"Bituin my face! Baka kadiliman, maniniwala pa ako!"

"Aurora ang pangalan mo diba? Dapat you're our guide when we're sailing on the ocean in the middle of the night. Alam mo na, nangingisda ng boys," malakas ang tawa ng mga pinsan ko pagkatapos sabihin ni Joy 'yon.

Ngumiwi ako. Baliw na yata tong mga 'to. Dinadamay pa ako sa pangingisda nila sa mga kalalakihan. Busy po ako, wala akong time sa mga ganiyan.

Guide! Baka iwala ko pa sila para wala nang mga ganitong babae sa mundo. Masakit sa ulo, sa tenga, sa mata, sa buong katawan. Ang dapat sa mga gumagawa ng listahan sa mga napapaiyak nila dapat hindi na ipapasok sa langit, wala na silang points doon.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon