Kabanata 7

516 14 0
                                    

Masama kong tinignan si Ashanta nang batukan niya ako. Mapanakit talaga ang babaeng  'to. Hindi naman siya galit, natutuwa lang. Ganyan naman siya palagi, masaya man o galit, mapanakit talaga.

"Bakit ang tataas ng mga scores mo, beh? Himala at may gana ka yatang mag aral." Hindi makapaniwala niyang sabi sabay ngiti.

Hindi makapaniwala ngunit natutuwa naman. Namewang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Matalino talaga ako, Ash, tamad lang." Proud kong sabi at nakipag apir kay Betane.

Sobrang inspired ko kayang sumagot sa mga questions. Naalala ko ang lahat ng pinag aralan namin ni Gavin. Paano ko ba kasi hindi maalala, ang tagal naming matapos? Ginabi nga 'yon dahil sa nagkukunwari akong may hindi pa rin maintindihan kahit saulo ko na naman talaga ang pinag aaralan.

Magkaibigan nga pala talaga kami ni Ashanta, pareho ng galawan, eh.

"Taray. Ikaw, Aubrielle, magsabi ka nga ng totoo sa amin ni Betane. Noong niyaya mo kaming mag group study pero tumanggi kami at may gagawin kaming importante, sino ang kasama mo?" Mapagbintang na tinuro pa niya ako.

Palipat lipat ko silang tiningnan dalawa. Ano naman kayang importanteng ginawa ng dalawang 'to? Niyaya ko kasi silang mag group study noong gabi pagkatapos akong tawagan ni Gavin, para sabay na kaming mag study kaso tinanggihan nila ako.

Kinagat ko na lang ang aking labi habang nakangiti. Nagtawanan ang mga kaibigan ko dahil sa aking reaksyon.

"May kasama nga. Sino, beh?" Si Betane habang tinusok tusok pa ang pisngi ko.

Hinawi ko naman ang kamay. Tinawanan ko pa rin sila. Pa inosente pa itong  mga lokong lokong ito, mukhang alam na naman nila kong sino.

"Asus. Aubrielle, sino? Pinalitan mo na si Fafa Gavin?"

Sinamaan ko na sila ng tingin. Sino naman ipapalit ko doon? Wala ngang may nagtangkang lumapit  sa akin tapos sasabihin nilang pinalitan ko si Gavin? Ayos din 'to, ah. Paano ako maghahanap ng iba, siya lang naman ang nagugustuhan ko.

"Ayaw niyang tawagin siyang Papa." Natatawa kong sabi sabay ayos ng upo. Nagtilian naman sila at niyogyog ako.

Hindi magtatagal at mababaliw na talaga ako kakayogyog ng mga ito sa akin baka maalog ang utak ko.

"Bakit, beh? Tinawag mong Papa?" Kuryusong tanong ni Ashanta. Hinawakan pa talaga niya ang mukha ko at pilit akong ipaharap sa kaniya.

"Si Kuya ang kasama mong mag study, beh?" Inosenteng tanong ni Betane.

Saan ba nagpupunta ang isang 'to at hindi man lang niya nalamang pumunta si Gavin sa amin at gabi na ng makauwi.

Ngumisi ako at tumango. Niyugyog na naman nila ako. Brain, kapit ka lang diyan ha? Huwag kang papaalog diyan.

"Kaya pala ang laki ng scores, Aubrielle. Si Gavin lang pala ang makakapagpatino sayo at makapag aral ka ng maayos," masayang sabi ni Ashanta.

Binatukan ko rin siya. Anong akala niya wala na talaga akong pag asang magtino sa pag aaral? Ako nga ang gustong mag aral para hindi naman bumagsak sa examination, tumulong lang si Gavin.

"Baliw, ang dami mong naiisip. O, anong ginawa niyong dalawa at hindi niyo ako masamahan?" Tinuro ko silang dalawa at pinag tataasan ng kilay.

Pareho din naman silang namula sa tanong ko. Aba may ginawa ang mga 'to ng di ko nalalaman.

"Ano na?" Hindi na ako makapaghintay na sagutan nila ako at palipat lipat na ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Secret. Bawal sabihin ang akin. Nag iingat lang. Basta't kasama ko ang bodyguard slash driver ko. Si Betane tanungin mo at hindi ko din alam ginagawa niya." Pinanliitan ko ng mata si Ashanta. Ang lokang loka na 'to ayaw man lang magkwento.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon