Wakas

588 17 2
                                    


"Maaga ka dapat bukas, Christine. Palagi ka nalang late sa lahat ng meetings.. Sana hindi ka na late sa mismong kasal na."


Sumaludo lang sa akin si Christine.


"Cole, ayos na ba lahat? The photographer, videographer, the speakers.. ano pa ba ang kulang?"


Ngumiti lang si Cole. "Relax, Aubrielle. Everything's under control. Huwag papaka stress, parang ito lang ang unang beses mong ikasal.."


Tinaasan ko siya ng kilay dahilan ng pagtawa niya ng malakas.


"I mean.. parang ito lang ang unang beses mong ikakasal... Ay! Nagpaplano pala ng kasal.. Ano ba 'yan?! Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nadadamay na ako sa'yo!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin nang tatawa tawa siyang nagkakamot ng ulo at bumalik na sa pagtingin sa mga kailangan pang gawin dito sa lugar kung saan ang kasal gagawin.


"James?---"


"Just like what Cole said. Everything's under control!" putol niya sa akin at tinapik pa ang balikat ko.


"Relax lang kasi.. Kinakabahan din ako sa mga pinaggagawa mo!"


"Mag beauty rest ka, Brielle, para maganda ka bukas!" dagdag ni Christine.


Whatever! Parang kinakabahan lang 'yung tao, e! Tutusukin ko yang mga nila at para malaman nila ang nararamdaman ko.

Ngumiti ako nang makita ang mga kaibigan kong papalapit dito. Pareho silang nakasuot ng manipis na bestidang pinaiilaliman ng swimsuits.

Relax masyado itong mga kaibigan ko, ah! Parang bakasyon lang itong pinuntahan nila.

Parang mga beauty queen pa talaga habang naglalakad. Feel na feel talaga nilang dalawa ang pagbabakasyon.

Napatili ako ng dumating sila sa harapan ko ay basta basta nalang nila akong hinila papunta sa dagat. Hindi man lang paawat.


"Hey! May inaatupag akong trabaho! Maligo kayo kung gustuhin niyo! Tang ina niyo!"

Malakas lang nila akong tinawanan at itinulak na talaga sa tubig. Nang makaahon ako ay inis ko silang pinagbabasa pero ang mga bruha ay tawa lang ng tawa at naghubad pa talaga ng suot.

Problemadong tiningnan ko sila ng basta basta na lang nilang itinapon ang mga pinag huhubad nila. Ashanta is now wearing a purple two piece while Betane is stripes two piece.

"K-pop!" turo ni Ashanta sa suot. "Purple!" sigaw niya at halos sa akin na siya tumalon.

Sa lahat na pwedeng talunan niya ay dito pa talaga sa kinalalagyan ko. Mapapatay ko talaga ang Mayorang 'to, e!

Si Betane naman ay mahinhin lang itong lumusong sa tubig at pumunta dito sa kinalalagyan ko. Ang kaibahan talaga ng dalawa ay kitang kita pero kapag nagsanib pwersa naman para inisin ako ay nagkakasundo talaga.

"Ano ba?!" napasigaw ulit ako ng pagtutulungan na naman nila akong hilain papunta sa malalim na parte nitong dagat.

Nang tingnan ko ang mga taong malapit dito sa amin ay wala din naman silang pakialam.

Halos hindi na talaga ako makagalaw dahil sa yakap ako ni Betane pati ang dalawang braso ko kaya mas madali kay Ashanta hilahin ako.

"Celestiene! Ashanta! Anong pinanggagawa nyo diyan?!" malakas pa sa kulog na sigaw ni Gavin.

Naglingunan kaming tatlo at nabuhayan ako ng makita siya. Sa wakas ay matatakasan ko na itong mga baliw kong kaibigan.

"Nagkakatuwaan lang naman!" sagot ni Ashanta.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon