Kabanata 28

348 8 0
                                    

Bumaba ako ng motorsiklo pagkatapos ni Nate. Ginalaw galaw ko ang mga braso ko. Ngayon ko lang yata nadama ang sobrang pagod. Hindi naman kasi ako namamalengke doon sa Maynila. Masyadong wala akong oras para mamalengke. Puro nalang order o di kaya noodles nalang ang kinakain ko. Libre din kasi paminsan minsan ang pagkain ko kapag may kasal na ginaganap. Libre na din kasi 'yon. Iwas gastos.

Napatingin ako sa sasakyan na papasok sa gate namin. Hinayaan ko talagang iniwan na nakabukas ang gate para sa pagdating ni Alexis. May kabutihan din pala siyang nasa kanyang katawan. Akala ko puro kalokohan lang ang puro nalalaman niya.

Nalaglag ang panga ko nang makitang si Gavin ang lumabas doon sa sasakyan. Si Alexis 'yong binigyan ko ng pinamili namin, a! Bakit si Gavin na ngayon?

Binuksan niya ang backseat tsaka kinuha doon ang mga pinamili namin. Kunot noo ako habang tiningnan kung may lalabas paba ngunit wala talaga. Ang Alexis na 'yon! Akala ko tumino na siya. Makikita ko lang siya bukas baka mabalian ko siya ng buto.

Nakangusong nilapitan ko ang seryosong mukha na si Gavin. Akala ko ba hindi na kami magtatagpo nito? Sa araw na 'to parang ang daming beses na naming nagkita, a!

"Tulungan na kita, " mahinang sabi ko.

Umusog siya ng kunti para makuha ko ang mga hindi na niya kaya pang dalhin. Sinilip ko pa ang loob kung nandito ba si Alexis. Nang mapagtantong wala talaga siya parang bumalik na naman ang inis ko sa lokong loko na 'yon. Ayos na sana, e! Matutuwa na sana ako sa kaniya! Balian ko pa siya ng buto bukas.

"Hindi mo din siya makikita kahit anong silip mo diyan," napalabas ang ulo ko sa sasakyan ng marinig ang pagsusuplado niya.

"May sinabi ba ako?"

Nagpapadyak pa ako habang naglalakad papasok ng bahay. Ang suplado naman! Hindi naman inaano.

"Sa nakikita ko parang gustong gusto mo talagang siya ang nandito ngayon."

Inis kong nilingon siya.

"Kinakausap mo ako? Kilala kita?" inikutan ko siya ng mata.

I stop when I  saw amusement in his eyes but when I look at him intently, parang wala naman yata. Guni guni ko lang yata iyon.

"Sorry about earlier.." mahinang boses niyang paghihingi ng tawad.

"No need. Hindi naman kita kilala kaya ayos lang."

Bumuntong hininga siya. "Ang hirap mong kausapin."

Bumuntong hininga din ako. Ginaya siya. "Edi wag mong kausapin!"

Tumalikod ako ulit sa kanya at naglakad ulit papasok. Ano naman ngayon kung ano man ang reaksyon na ipinapakita niya? Nasa stage of acceptance na akong hindi kami pwedeng magkatuluyan.

"Ay! Maraming salamat, Hijo. Mabuti nalang at nandiyan ka. Ito kasing anak ko, nagmomotor pa pwede namang sasakyan ang dadalhin!" tiningnan ako ni Mama na para bang ikinahihiya niya ako.

Whatever! Tahimik kong inilagay sa refrigerator ang mga kailangang ilagay doon na pinamili namin. Parang hindi niya ako mahal mas nagpapasalamat pa diyan. Sobrang suplado nga ng taong 'yan.

"It's okay, Tita. Out na naman ako sa work," umikot ang mga mata ko ng marinig ang magalang niyang boses. Parang hindi nagsuplado kanina.

"O siya, punta kayo dito bukas ng mga pinsan mo, ha? Baka pwede din ang Lolo at Lola mo and don't forget, Carrielle's best friend."

"Sige po, Tita."

"Parang itong si Aubrielle at Betane lang itong si Elleine at Carrielle, hijo. Ikaw at ang mga pinsan mo at si Arielle. A De Guzman and a Rivera friendship," natutuwang sabi ni Mama.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon