Kabanata 34

387 10 0
                                    


May mga bagay talagang kahit gaano mo man kagustong gawin hindi mo pwedeng gawing kasi bawal.

Naiinggit na tiningnan ko ang mga kaibigan kong nakikipaglaro kay Elleine sa labas ng bahay ng mga De Guzman habang malakas ang pagbuhos ng ulan. They're laughing and enjoying while I'm here at the balcony, sitting and enjoying my coffee.


Paminsan minsan tinatawag nila ako pero ngiti at tawa lang ang maipakita ko sa kanila. My body is too weak to join them. Mabilis akong magkasakit kapag nauulanan. Kahit anong inggit ko dito wala akong magawa dahil sa ayaw kong magkasakit.

"Aubrielle!" kumakaway na tawag ni Alexis sa akin.

Papalapit siya ngayon sa mga kaibigan ko at kay Elleine na nagkakatuwaan at naghahabulan dala ang isang hose. Tsk! May kalokohan na naman 'tong gagawin.

Kay saya lang tingnan na kahit may iba't iba na kaming pinagkakaabalahan sa buhay may ganitong pagkakataon paring nagkakamasama at nagkakatuwaan. Nakaka overwhelmed.

Umiiling na ngumisi ako sa kanya. Nandoon din si Gavin, walang damit sa pang itaas habang kinakarga pamangkin niya. Yes, Elleine is Gabriel's niece.

Ang hot naman yatang tignan ng kaibigan ko. Kitang kita ko mula dito ang naggagalawang parte ng katawan. Those sizzling triceps and biceps. Damn, my friend! Sayang!

Napalunok ako dahil sa nakikita ko. Hindi ko na yata kailangang uminom ng kape, umiinit na ang katawan ko tinitingnan ko palang si Gavin. Naging manyak na yata ako sa lagay na 'to.

Halos mapatalon ako ng tingnan ako ni Gavin. He smirk and flex his biceps when he saw me looking at him. Napabawi ako ng tingin kaagad. Shit! Hindi naman yata niya nakikita ang klase ng tingin ko ano?

Inabala ko na lang ang sarili ko sa kung ano-ano para hindi na siya matingnan pa.

"You want to join?"

Napalingon ako kay Gavin ng pumasok ito sa balkonahe. He have a towel on his hair and oh, damn! He's just wearing a shorts. Walang pang itaas na damit. Hindi na basa ang shorts na suot niya, ang bilis naman yatang makapagbihis.

Huminga ako ng malalim. Kaninang nasa baba siya ay kung ano ano na nga ang nararamdaman at naiisip ko ngayon kayang nandito na siya sa tabi ko. Baka makalimutan kong kaibigan ko pala 'to.

"Badly," I answered.

Nilingon ko ulit ang nagtatakbuhan na kaibigan at si Elleine, habol-habol ni Alexis dala ang hose. This is a very satisfying view. A very satisfying feeling, to be home. Pwera nalang sa ibang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig na kasi ang tuhod ko dahil sa lalaking parang hindi man lang nakaramdam ng lamig.

"You can join. I'll take good care of you if you get sick," he said as if being sick is just a small thing.

"Baliw! Sinong gusto ang magkakasakit? Wala sa bokabularyo ko ang gumawa ng dahilan para magkasakit," natatawang umiling ako.

"Ayaw mo?" natatawang biro niya.

Sino bang hindi?!

"Tss! Kalandian mo! Ilagay mo sa tamang lugar."

"Ito ang tamang lugar. Sino ba dapat ang landiin ko?"

Natatawang inilingan ko siya. Loko loko! Edi ako! Problema ba yun?

"Ayaw mo? May gwapong nag aalaga sa'yo?" natatawang sabi niya at umupo sa upuang katabi ng inuupuan ko.

"Wala kang trabaho?" I asked without looking at him, pinigilan ko na talagang magpadala sa panglalandi niya. Marupok pa naman ako. 

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon