Kabanata 21

433 8 0
                                    

Kasiyahan. Iyon ang nararamdaman ko kagabi. Ngayon naman, sakit. Ang sakit ng ulo ko nang idilat ko ang mga mata ko. Parang gusto ko na lang  ulit matulog.

Tiningnan ko ang wall clock. 12:30 p.m. . Grabi ang tagal ko yatang natulog. Parang sinulit ko na yata ang pagtulog ko, sana sa gabi nalang ako nagising para bawing bawi.

Tumayo ako sabay hilot sa noo ko habang naglalakad papasok sa banyo. Bakit parang ang sakit naman yata ng ulo ko ngayon kumpara noong isang araw? E, sa beer lang naman ang ininom namin kagabi tsaka, noong nasa bar ako kung ano anong alak na lang iyong naiinom ko.

Parang Nahimasmasan naman ako ng dumampi sa aking balat ang malamig na tubig galing sa shower, pero hindi pa rin mawala wala ang sakit ng ulo ko.

Natawa ako ng maalala ang mga kalokohan namin kagabi. Halos ayaw pa nga nilang umalis pero napagtanto rin nilang kailangan din pala nilang umuwi kasi may trabaho sa pa silang gagawin ngayon. Si Ashanta, uuwi na sa San Vincente kasi tapos na naman daw ang kailangan niya dito sa Maynila. Si Betane naman, ngayon daw'ng araw magsisimula ang PBA Governor's Cup. Ano naman kaya 'yon? Wala kasi akong alam sa mga basketball basketball na 'yan.

"Shit!" gulat kong sabi ng makita ang sobrang kalat na sala ko.

Empty cans of beer scattered all over the living room , may mga balat ng chichirya na sobrang nagpapadagdag ng kalat. Wala na din sa ayos ang mga gamit dito na akalain ay parang dinaanan ng malakas na bagyo.

Ano bang ginawa namin kagabi, parang hindi klaro sa akin lahat ng pangyayari, e? Epekto talaga ng  pag iinom ko ang hindi na makakaalala kinabukasan. Kainis naman kasi.

Bumuntong hininga ako tsaka sinimulan ng pulutin ang mga kalat. Mabuti nalang at pwedeng hindi ako muna pupunta ng office ngayon, kailangang kontakin ko lang naman ang mga vendors para sa kasal. Kung nagkataon, baka napagalitan ako at hindi na yata oras ng pagpasok ng trabaho ang tanghali.

Sana nagising ng maaga ang mga kaibigan ko. May mga gagawin pa naman silang importante.

Napatingin ako sa pinto ng tumunog ang door bell. Sino naman kaya ang bisita ko? Si Kuya? Sina Betane at Ashanta? Weh?.

"Morning. I mean good noon, Aubrielle"

Nakangiting mukha ni Gavin ang tumambad sa akin sa labas. Nagtatanong ko siyang tiningnan kaya ipinakita niya ang may takip na mangkok na dala niya.

"H-Hi!"

"I bring you hot soup. Para sa hangover mo."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Parang hindi naman niya napansin iyon. Inilipat kasi niya ang tingin sa ulo ko at kinagat ang labi habang nakatingin doon. Naguguluhan kong hinawakan ang ulo ko tsaka lang napagtanto na may tuwalya ng nakapulupot pala sa ulo ko.

Kakatapos ko lang kasing maligo at lumabas ako para makahanap ng makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko pero nakita ko ang kalat sa sala kaya nakalimutan kong abalahin pang tanggalin ang tuwalya. Bakit ba kasi ako hindi pa nagpatuyo ng buhok?

Dali dali kong tinanggal ang tuwalya sa ulo ko dahilan ng pagtawa niya ng mahina.

Parang nag akyatan yata ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa sobrang hiya. Nahihiyang tiningnan ko siya. Para akong tanga-tanga dito.

"Mas maganda ka kapag ganiyan," mapanuya nitong sabi at kinagat ulit ang kanyang labi.

God! May mas ikainit pa ba ang mukha ko ngayon?

Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto.

"Come in," mahinahon na sabi ko.

Kahit na sobrang nahihiya na sa kanya dagdagan pa ng maalala ko ang nangyari sa amin sa bar. Ang tanga ko lang kasing magawa iyon. Pero total ang sabi ko naman sa kaniya wala akong naalala sa gabing 'yon kaya ayos na 'yan. Magaling naman akong magkunwari.

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon