Chapter 11

1.1K 24 3
                                        

A: Ang huminga, bading. Hahaha! Have a nice day, gays. Enjoy reading:))


Jennie's POV

SA MGA ARAW na lumipas, hindi nag papahuli ang pirates ngayong city meet. Nag champion ang Pirates sa table tennis and chess tournament. First place naman sa sepak and basketball game. Sa track and field naman ay nag second placer sila and even sa softball. Ang women's volleyball and basketball ay first place dahil natalo sila ng BSU. Ang lalakas nila.

Even swimming, first place lang ang LPU.

Now, ang tanging pag asa nalang namin ay itong men's volleyball and iyong sayaw namin. Talagang BSU and LPU ang mag haharap for the championship.

Mamaya iannounce na din ang mananalo sa dance competition dahil iiunahin muna ang men's volleyball.

Hindi ako mapakali sa aking upo dahil double ang kabang nararamdaman ko. First, hindi ko alam kung mananalo ba kami sa dance competition, the second one ay sa volleyball.

Naalala ko naman ang bet namin ni Lisa. I don't know kung anong trip n'ya pero sigeh, pag bibigyan ko s'ya this time.

"Gosh, I'm going nervous na"Rosé said while looking in front"Sino kayang mag chachamp sa atin?"

Huminga ako nang malalim"Of course, tayo"Sagot ko naman"We all know na tayo ang nag over all champion last year at magiging ganun din ngayon"

"I hope so"She said and I looked at my members who's now looking nervous na din.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid. Maingay kase dahil nag papasukan na ang mga ibang players, supporters, and other outsiders na gustong manuod dito.

Madami ang mga naka red, of course, red spartan ang sinusuportahan nila. May mga supporters din kami kaso mas madami talaga ang sa BSU.

Hindi sinasadya ay napatingin ako sa phone ni Noze. At ganun nalang ang panliliit ng aking mga nang makita ang tinype n'ya.


From: Lisa

Goodluck to your team:))


Agad akong umiwas ng tingin bago pa ako mahuli ni Noze. Oh, so nag cha-chat sila ni Lisa?

After ng ilang minutes ay wala sa sarili kong kinuha ang aking phone at palihim na tiningnan ang dm ni sa akin.

Huminga ako nang malalim bago nag reply doon.

jennierubyjane: Don't forget our bet, Spartan!!!


I thought, hindi n'ya ako rereplayan dahil baka busy but ganun nalang ang gulat ko nang makitang typing s'ya.


lisamanoban: Ikaw ba iyan? Baka kaibigan mo ang kausap ko.

jennierubyjane: then don't reply if hindi ka naman naniniwala!!

lisamanoban: Walang good luck d'yan?

jennierubyjane: No, why would I give you some good luck? Gusto ko ngang matalo kayo.

lisamanoban: Wag naman ganun. Knock on wood.

jennierubyjane: I'm going to pray talaga iyon. Haha

lisamanoban: Bad. Haha. Sigeh na, tawag na kase kami ni coach. Good luck din mamaya. May the best school win:) Dm kita after, ah?


Hindi na ako nag reply sa kanya, pinatay ko na ang aking phone at wala sa sariling napangisi dahil sa spartan na iyon.

I don't know if my parents will be here dahil ang dami nilang gagawin. Hindi naman talaga masyadong need ang mga shareholders dito pero sana nandito sila for the awarding.

After The Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon