Chapter 4

1K 28 1
                                    

Lisa's POV



"Lisa, okay lang ba na ikaw ang mag dala ng order ni mayor sa capitolio?"

Hinugasan ko naman muna ang aking kamay bago tumingin kay Tita.

"Okay lang po, Tita"Sagot ko at pinunasan ang aking kamay ng towel"Ngayon na po ba?"Tanong ko pa sa kanya.

Tanghali na kase and may nakain pa dito. Wala naman si Jisoo dahil pumunta sa talipapa habang si Seulgi ay abala sa pag serve ng mga order dito.

"Oo, katatawag lang nung secretary ba ni Mayor. E, madaming inorder, sayang naman"Sagot n'ya pa.

"Sigeh po"Sagot ko pa at tinulungan na s'yang mag handa ng order ni mayor sa amin"Mukhang nagustuhan po talaga ni mayor no?"Ngiti ko pa sa kanya.

"Oo"Napangiti s'ya"Naku talaga, simula nung omorder dito iyong anak n'yang maganda, mas madami na tayong naging customer"Dagdag n'ya pa at hinalo ang goto dito.

Napangiti naman ako dahil talagang masaya ako sa nangyayari sa gotohan.

"Si Noze po?"Tanong ko pa sa kanya.

"Oo, si ganda"Ngiti n'ya pa"Mabait ano?"

Tumango naman ako sa kanya at binigyan ng mga lalagyan ng goto"Opo, mabait nga po"

"Bagay kayo"Doon ako napatingin sa kanya."Kay Jisoo ko sana ishiship kaso loko-loko ang anak ko na iyon"

"Hahahah"Natawa talaga ako"Grabe kayo kay Jisoo, Tita"

"Hayst, alam mo naman ang anak ko na iyon, loko-loko. Hinihintay ko talagang dumating iyong babaeng mag papabago doon. Pero si Noze, bagay sa'yo"Ngiti n'ya pa.

Napailing nalang ako habang natatawa bahagya. Sa totoo ay cool kasama si Tita, lagi n'ya kaming inaasar pero nandoon parin ang pagiging parent n'ya sa amin.

"Ito iyong susi ng motor, ito nalang ang gamitin mo para mabilis. Alam mo namang traffic lagi sa alangilan at kumintang"

"Oo nga po, e"Sagot ko pa sa kanya"May banggaan pang nangyari nung isang linggo"Dagdag ko pa kaya naman ganun nalang ulit ang pag tigil ko nang maalala si Jennie.

Tss...

Bakit ba s'ya galit na galit? Naiintindihan ko naman s'ya na muntikan na s'yang mabangga pero may kasalanan din naman s'ya. Nakaharang s'ya sa kalsada and bawal s'ya doon. Hindi ko nalang sinabi sa kanya ang bagay na iyon dahil ayokong sabayan ang init ng ulo n'ya.

"Oh, nandito si Francine"Sambit ni Seulgi na may dalang bagong hugasin bago ilagay sa lababo.

Napalingon naman ako sa aking kapatid na ngayon ay bihis na bihis.

"Tita"Agad s'yang lumapit sa amin at nag bless kay Tita.

"Bakit ka nandito? At bakit bihis na bihis ka?"Tanong ko pa sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba?"Tanong n'ya pa"Ngayon ako pupunta sa capitolio dahil mag papasa ako doon sa educational assistance. Ngayon na iyon, Kuya"Sagot n'ya pa.

"Aba! Oo nga ano"Sagot ni Tita"Edi, sumabay ka na sa kuya mo, papunta din itong capitolio"

"Oo nga, sumabay ka na sa akin para hindi ka na mamasahe"Sagot ko naman"Okay na ba ang mga requirements mo?"

"Oo naman"Ngiti n'ya pa"Sigeh, tulungan ko muna si Kuya pikit doon"Binaba n'ya muna ang gamit n'ya at tinulungan na si Seulgi na mag tanong ng order sa bagong dating.

"E, kayo, hindi ba kayo mag aapply ng educational assistance?"Tanong pa sa akin ni Tita bago ibalot na ang mga nahanda n'ya.

"Wala pa po kaseng ina-announce. Iyong mga high school and freshmen palang po ang meron"

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon