Chapter 33

1K 27 5
                                    

A: Have a nice day, gays. Enjoy reading:))

Jennie's POV

"SHUSH, STOP CRYING!"

Pero kahit anong pag aamo sa akin ni Mina ay hindi parin ako tumigil sa pag iyak.

Hindi na n'ya ako mahal, Mina....

"Ang sakit sakit, e"Humagulgol ako sa mga yakap nang aking kaibigan. Nandito na ako sa New York, dalawang araw nang umiiyak. I decided na umalis ng bansa ulit kase pakiramdam ko, wala na akong lugar sa Pinas.

"Minahal ko s'ya higit pa sa buhay ko pero bakit ganun?"Puno nang sama ng loob na sambit ko pa"He's now happy without me"Mas humigpit naman ang yakap n'ya sa akin kaya umiyak pa ako lalo.

Gusto kong mag pasalamat kay Mina dahil nakikinig lang s'ya sa akin. Kahit na paulit-ulit ang sinasabi ko ay hindi s'ya nag sasawang pakinggan ako.

"Yes, tita, she's o-okay naman po dito"Napatingin naman sa akin si Mina habang kausap n'ya si Mommy sa phone"Opo, nag wawala na nga po sa sobrang saya, halos umiyak na katatawa"Tiningnan ko ng masama si Mina sa kanyang sinabi.

Hindi ko magawang kausapin sina Mommy dahil pakiramdam ay pag makausap nila ako, malalaman nila kung bakit ako umalis. At blinock ko na din ang lahat ng contacts ko sa lahat. Ayokong may makuha silang balita sa akin, lalo na kay Lisa.

"No prob, tita, she's safe here. Sigeh po, hindi ko po makausap dahil busy sa pinapanuod. Okay po, bye din po"Pinatay na n'ya ang tawag at humarap na sa akin"Oh, okay na?"Tumango naman ako sa kanya at niyakap nalang ang aking mga tuhod. Napahinga naman s'ya nang malalim at hinagod ang likod ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko"Nag simula na namang tumulo ang mga luha ko. Parang hindi na naalis ang sakit sa aking puso"Hindi ko na talaga alam, Mina"

"Shush! Magiging okay din ang lahat"Niyakap n'ya ako"Malalampasan mo Ito"Umiyak ulit ako sa mga yakap n'ya habang yakap-yakap n'ya ako.

Ilang araw pang ang lumipas nung kinausap ni Mina si Mommy. Hindi parin nag hihilom ang sakit sa akin puso. Hindi na din ako tumigil sa kaiiyak tuwing gabi. Hindi na ata matatapos.

"You know, typical bad boy, ganun. E, ayoko, mukhang lolokohin lang ako"Kwento sa akin ni Mina sa lalaking nag ligtas daw sa kanya nung muntikan na s'yang mahagip ng kotse. Nandito kami sa isang coffee shop dahil gusto n'ya daw na ipasyal ako dito sa syudad ng New York.

Nilabas na n'ya ako dito kase matagal na akong naka stay sa bahay nila."Pero gwapo like your Lisa. Hihihi!"

Nag simula na namang mag init ang mga mata ko dahil naalala ko na naman si Lisa.

"Oh, shoot!"Biglang sambit ni Mina nang mapansin na umiiyak na naman ako"Naku! Bakit ko ba kase nabanggit ko pa?"Lumapit agad s'ya sa akin at inalo ako.

"No, it's okay"Humihikbi ko parin sambit sa kanya pero nag patuloy lang naman s'ya sa pag sabi ng 'sorry'.

"Gusto mo na bang umuwi?"Tumango nalang naman ako sa kanya"Sigeh, let's go"Tumayo naman kaming pareho pero agad din akong napahawak sa lamesa nang mahilo ako.

Madalas ko itong nararamdaman, lalo na pag umaga. Siguro ay dahil ito sa kaiiyak ko.

"Oh, careful ka lang. Okay ka lang ba talaga? Napapadalas na 'yang hilo mo?"Tanong n'ya sa akin habang inaalalayan akong lumabas sa coffee shop.

"I'm okay, siguro ay dehydrated lang ako"Sagot ko naman.

"Well, siguro nga"Sagot n'ya pa at sumakay na sa kotse n'ya.

Nang makauwi kami ay nag kwentuhan lang kaming dalawa. Sa kanila naman ako nakatuloy dahil hindi ko pa kayang tumira sa isang apartment. At hindi s'ya pumayag na tumira akong mag Isa dahil baka daw mag pakamatay ako.

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon