Chapter 38

1.1K 28 3
                                    

A: Have a nice day, gays. Enjoy reading:))



Jennie's POV

IT'S ALREADY 9: 56 in the evening, and we're still here, outside of the airport. Ang anak ko nasa aking tabi habang ang ama n'ya ay nasa harap naming dalawa.

Hindi ko inaasahan na sa ganitong oras at lugar pa n'ya malalaman ang tungkol kay Killian. Kung hindi kami pumunta dito, sana ay nag lalaro lang ng anak ko ng basketball sa New York, habang ako ay tinatapos ang mga ginagawa kong designs.

Pero hindi ganun ang nangyari. Nandito parin kami sa airport, umiiyak.

"May...a-anak tayo?"His voice were now low but firm. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Gusto ko lang ay umiyak. Tumingin s'ya sa kasama n'yang lalaki, tumango lang Ito bago ako hilahin papalayo sa anak namin.

"Lisa!"

"How could you do this to me?!!"Ganun nalang ang pag talon ko sa gulat nang sumigaw s'ya. Nanginginig ang kanyang mga labi sa sobrang galit, hindi naman ako nakapag salita"Paano mo nagawang itago sa akin ang anak ko, Jennie? Ang anak natin?"Napasapo s'ya sa kanyang noo at umiling nang umiling.

"Kung hindi pa kita nakita sa rancho, hindi ko malalaman!!"Tiningnan n'ya ako ng masama"At talagang gusto mo pang ilayo sa akin ang anak ko!!"

"Dahil ayokong mag kita kayong dalawa!!"Umiiyak kong sigaw sa kanya, mas lalong nag dilim ang kanyang mga mata.

"Because of what? That I will take him away? That i will run from my responsibilities? What a selfish act of yours, Jennie!"Tiningnan ko naman s'ya, hindi makapaniwala.

Napatawa ako habang tumutulo ang mga luha"Ako pa talaga ang selfish, Lisa?"Tinuro ko ang aking sarili, hindi makapaniwala"You're having your life, too, with Noze. At ako pa ngayon ang sasabihan mong selfish? E, ano pang tawag sa'yo?!!"Sigaw ko sa kanya at sunod-sunod na sinuntok ang dibdib n'ya. Hindi s'ya nag salita, parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Binigay ko ang lahat sa'yo, Lisa. Minahal kita higit pa sa buhay ko. Nagawa kong mag lihim sa mga magulang ko para sa'yo. Tapos Ito lang ang ipapalit mo sa akin? After what happened between us that night, hindi mo na ako pinansin, parang wala lang sa'yo ang nangyari sa ating dalawa. And now, mag papakita ka ngayon dito at sasabihan na selfish dahil sa pag tago ko ng anak natin?"Hindi parin s'ya nag salita, hiyaan akong mag labas ng mga hinanakit ko"Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang mga sandaling iyon, Lisa."

Halos mapaluhod ako sa aking tayo dahil sa pag iyak. Tandang-tanda ko pa at ramdam na ramdam ko parin ang sakit nang sandali na iyon.

"Kase nasaktan din ako, Jennie!"Sagot n'ya naman sa akin, halos mangilid na ang mga luha"Nasaktan ako noong malaman ko na kasama mo si Kai. Konting panahon lang naman ang gusto ko nang mga sandaling iyon kase hindi ko parin tanggap. Pero tangina, Jennie, ikaw ulit iyong umalis, Ikaw ulit ang lumayo. And ngayon, Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin?!"

Napatingin naman ako sa kanya, umiiyak na. Hindi s'ya nakatingin sa akin, parang wala s'ya sa sarili habang nag sasalita"Hindi ko alam kung gaano kasakit sa akin noong umalis ka ulit at iniwan nanaman ako. Jennie, bakit ang bilis mong sumuko?"

"Please, stop lying, Lisa. Parang awa mo na! Stop hurting me. Hindi mo nanaman ako kailangan ng mga sandali na iyon kase okay na kayo ni Noze"

"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo, Jennie!!"Napatalon ako sa sigaw n'ya"Hindi ko alam kung bakit mo pinipilit na may relasyon kami ni Noze!!"

"Bakit, wala ba-"

"Wala!"Ganun nalang ang pag laki ng mata ko sa kanyang sinabi"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? Ikaw ang mahal ko! Paano mo nasasabing may relasyon kami ni Noze! Parang kapatid ang turing ko sa kanya!!"Sigaw n'ya pa"Simula noong nawala si Mayor, tinutukan ko na sila ng pansin sina Ally kase alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang ama!!"Umiiyak na sigaw n'ya sa akin dito.

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon