Chapter 15

945 23 5
                                    

A: Of course, bago matapos ang araw na ito, I want to greet our beloved Blackpink. Happy 6th anniversary, Blackpink na sobrang love ko. Pag nakita ko kayo sa personal, bibigyan ko kayo ng goto. Iyon lang. Ehehehehehehehe!

Have a nice day, gays. Enjoy reading:))




Noze's POV

"Ally,"

Nakangiti kong binuksan ang room ng aking kapatid dahil ngayong araw na darating ang gown n'ya for her debut tomorrow. Kami talaga nila Mommy ang nag asikaso noon dahil alam kong special ang araw na iyong for her.

"Ate"Ngiti sa akin ni Ally"Why are you here?"

"Come on, come with me. Your gowns are already here."Ngiti ko pa sa kanya.

"Talaga?"Tumango naman ako"Bakit pa kase may party, ate? Simple celebration will be fine"

"Hey, it's your debut. Ibig sabihin noon, you're now in your legal age"

"E, ate, ayokong pang makulong"Natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Hindi ka makukulong if wala ka namang ginagawang bad. Come on na, nandoon na din sina Mommy. Puntahan mo na ang gowns mo because I'm going to check the venue"

"Thank you talaga, ate"She hugged me and I hugged her back.

"Always welcome, sissy"Sagot ko pa sa kanya. "Let's go na"

Sabay naman kaming bumaba and pinuntahan sina Mommy sa living room with our stylist. Habang tinitingnan ni Ally ang mga gowns n'ya ay nag paalam na din ako na aalis para icheck ang venue ng party ng aking kapatid.

"Take care, love"Mommy said and I kiss her cheeks.

"I will po"Sagot ko naman sa kanya bago umalis na ng bahay.

Sumakay naman ako sa car ko at pumunta na sa may country club dito sa Batangas. Maganda doon kaya naman iyon nalang ang napili ko for Ally's debut.

"Yes po, I'll be there na po"Sagot ko naman sa organizer ng kinuha namin. Halos hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil bukas na iyon, naging busy pa ako sa ojt ko.

"Di kita pipilitin, sundin mo pang iyong damdamin. Hayaan nalang tumibok ang puso mo...para sa akin"Sinabayan ko pa ang music dito habang nag didrive.

"Kumusta na kaya sila?"Tanong ko pa sa aking sarili at naisip sina Jennie. Halos ilang linggo ko na silang hindi nakikita dahil sobrang busy ko. Even sina Lisa, hindi ko na masyadong nakukumusta.

"I hope he's doing well"I smiled when Lisa pop up in my mind.

Nang makarating ako sa country club ay abala na ang lahat sa pag aayos dito. Even the catering, nandito na din kaya naman icheck ko na ang lahat.

"Oh, this is so beautiful"I said nang makita ko ang uupuan ni Ally. She will be the most beautiful woman tomorrow.

Halos sa dami pang aayusin ay inabot na ako ng 2pm doon bago umalis dahil dadaanan ko din iyong cake na pinagawa ko para mamaya.

Dahil sa may banaba ako dumaan ay malapit Ito sa may terminal. Hindi ko namamalayan na lumiko na pala ako papuntang balagtas dahil dadaan ako sa may gotohan.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ngayon ko lang kase ulit makikita sina Lisa. And I missed him...so much.

Sobrang bilis ng puso ko nang makarating na ako sa tapat ng gotohan nila Jisoo. Mukhang wala ng customers dahil nakita ko sina Jisoo na parang nag kukulitan na sa loob.

Lumabas naman ako ng car ko at tumingin sa loob.

"Tao po"Pag tawag ko pa at kumatok sa pinto dito.

Natigilan naman sina Jisoo sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Ganun nalang ang ngiti ko nang makita ang reaksyon nila.

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon