A: What If, hindi talaga endgame ang Jenlisa?? Paano na? HAHAHAH *insert evil laugh* Emz. Hahaha! Have a nice day, gays. Enjoy reading:))
Lisa's POV
"Tol, seryoso ka? Talaga bang close na kayo ng Jennie Kim na iyon?"
Iyon ang tanong sa akin ni Jisoo habang nag liligpit na kami sa gotohan nila.
"Jisoo, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na oo"Sagot ko pa habang pinupunasan ang mga lamesa dito.
"Hindi talaga ako naniniwala"Sambit ni Jisoo habang umiiling-iling"Si Noze oo pa pero si Jennie-E, hindi ko nga kayo nakikita na mag kasama noon"Sambit n'ya pa habang si Seulgi naman ay nakatingin lang din sa akin habang nag wawalis.
Hindi ko naman mapigilan ang isipin ang mangyayari sa amin ni Jennie ngayon. Yes, after nung nag kita kami sa San Jose ay nasundan pa iyon ng tatlong beses.
Pero kahit anong sabihin ko sa aking mga kaibigan, hindi sila naniniwala dahil nga, hindi naman nila kami nakikita ni Jennie na mag kasama.
May Isang lugar kaming pinupuntahan ni Jennie na kami lang ang may alam.
"Tingnan mo ang mokong, nakangiti na naman. Guard, may baliw na po dine"
Nawala naman ang ngiti ko nang marinig sina Seulgi na ngayon ay sa aking nakatingin.
"Hindi ka ba nag tataka, tol?"Hindi talaga ako tinantanan ni Jisoo. Hinila n'ya si Pikit para lang lumapit sa akin.
"Alin ba?"Tanong ko naman sa kanya.
"Sigurado ka bang mabait iyang si Jennie?"Tanong pa ni Jisoo.
"Uy, baliw"Ganun nalang din ang gulat ni Seulgi bago napatingin sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko naman kay Jisoo.
Huminga s'ya nang malalim bago sinandal ang mop na hawak n'ya"Unang-una, galit na galit s'ya sa'yo"Sambit n'ya pa na sinang-ayunan naman ni Seulgi"Pangalwa, sinabi mo sa amin na pinapalayo ka ni Jennie kay Noze dahil hindi ka daw mabuti para kay Noze. At ang pang tatlo,"Tumigil s'ya bago tumingin sa akin"Isang tulad ni Jennie Kim, makikipag kaibigan sa tulad natin? Na mahirap lang? Seryoso?"
"Uy, don't judge the book by its cover nga daw, e"Sambit naman ni Seulgi sa kanya.
"Tol, wag kang maaano, ah? Pero ganun talaga ang naiisip ko, e"Sambit pa ni Jisoo sa akin at tinapik ako sa aking balikat.
"Kahit ako din naman, ganun din ang Iniisip ko"Sagot ko naman kaya napatingin sila sa akin"Pero sa mga linggo na nakasama ko si Jennie, ramdam ko naman ang pagiging sinsero n'ya sa friendship namin na ito. I mean, ibang iba s'ya sa jennie'ng nakilala ko noon"
Napatingin pa silang dalawa sa isa't-isa bago sa akin.
"Pero kung okay naman talaga kayo at nagkakasundo, edi maayos"Si Jisoo"And sana nga, mali itong nararamdaman ko."
"Mali iyan"Inakbayan s'ya ni Seulgi"Wala ka lang kaseng bebe kaya ganyan ang naiisip mo"
"Palibhasa, nakakaporma ka na doon sa Irene"Sambit ni Jisoo kaya ganun nalang ang gulat ko bago napatingin kay Seulgi.
"What? Totoo?"Tanong ko pa bago napatingin sa kanila.
"Oo,"Sagot ni Jisoo"Itong kumag na ito, mukhang nakakauto na ng pirate"
"Hahahaha"Tawa ni Seulgi"Uy, hindi naman. Ano lang, chat chat palang kami ni Irene"
"Pero seryoso, si Irene?"Tanong ko naman kay Seulgi. Tumango s'ya sa akin habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
After the rain drops
Fiksi PenggemarWhat if the famous and good-looking Jennie Kim meets the ordinary and poor guy Lisa Manoban? A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!