Chapter 25

1K 25 6
                                    

A: Salamat po ulit sa mga greets. Pero mas maganda kung may pabirthday no? Hindi bati lang. Kahit ticket lang for bp concert, ganun. Emz. HAHAHA Have a nice day, gays. Enjoy reading:))



Lisa's POV

"You look nervous"

Napahinga naman ako nang malalim dahil ngayon na iyong araw na sinasabi ni Mayor na event. Nandito kami ngayon ng isang kong kasamang photographer din na kinuha din ni mayor.

"First time ko lang kase"Sagot ko naman sa kanya kaya napatango s'ya.

"Kaya mo iyan. Tsaka, hindi naman kukuha si mayor nang walang experience. Siguro naman ay sa school n'yo, nag pipicture ka din?"

"Ah, oo"tumango naman ako tipid na ngumiti"Sumali din kase ako noong high school sa photo journalism"

"Oh, ayos iyon"Tango n'ya"Okay iyan, may experience ka naman pala. Tsaka, mabilis lang din naman Ito"Tumango-tango naman ako sa kanya bago tumingin sa hawak kong camera. Hindi ko inaasahan na ako ang kukunin ni mayor at hindi ko s'ya papahiyain.

Nandito kami ngayon sa may country club, 6pm na and malapit nang mag start ang event. Kami ni Bambam, iyong kasama kong photographer ay nag simula na ding kumuha ng mga pictures ng mga guests.

At once na dumating na din si mayor with his wife ay ganun nalang ang ngiti ko.

"Lisa"Bati n'ya sa akin kaya agad akong yumuko sa kanya.

"Mayor, ma'am Leviste, good evening po"Bati ko pa sa kanila.

"Good evening. Kumusta naman dito?"Tanong n'ya pa sa akin.

"Okay naman po, mayor. Ito, medyo kabado"Nahihiyang sagot ko naman sa kanya.

"Normal lang iyan"Ngiti n'ya pa"Just enjoy yourself here. If you're hungry, kumain lang kayo nila Bambam, okay?"

"Yes, mayor. Thank you po"Tinapik n'ya lang ako sa balikat at ang mommy naman ni Noze ay ngumiti sa akin bago umalis kase madami pa silang mga kakausapin na guests din dito.

"Pre, chicks"Nguso pa sa akin ni Bambam at nginuso iyong babae na nasa isang cocktail table, may kausap din na medyo may edad na babae"Ganda n'ya pa at sexy"

"Mas maganda and sexy d'yan ang girlfriend ko"Ngiti ko sa kanya at kinuhanan ng picture ang nasa unahan ko.

"Naks, sanaol loyal and faithful"Natawa nalang ako sa sinabi n'ya at ginawa ang trabaho ko dito na kumuha ng mga pictures.

Tiningnan ko pa muna ang mga pictures dito at chineck. Nang makita kong okay naman ay sinuot ko ulit ang strap nung camera at kinuhanan naman sina mayor ng picture.

Nang simula naman ang program. About sa mga gagawing proyekto dito sa Batangas ang napag usapan kaya din naman kahit nag pipicture ako ay nakikinig din ako.

Nag patuloy lang naman ang event. Madami na din kaming nakakausap nila Bambam dito na ibang bisita. Kumain din kami at nag pahinga sa aming table.

"Grabe, ang ganda dito, no?"Sambit pa ni Bambam sa akin habang hawak-hawak ang champagne. Ako naman ay tubig lang kase ayokong umuwi ng may inom.

"Oo nga, e"Sagot ko pa sa kanya at tiningnan ang kanyang paligid"Restroom lang ako"Paalam ko pa sa kanya at tumayo. Tumango naman s'ya at tiningnan nalang ang kanyang camera.

Habang nag lalakad ay ganun nalang ang pag salo ko kay Mayor kase medyo na out of balance s'ya.

"Mayor!"Agad nag sipag lapitan ang mga ilang kilala ni Mayor dito sa aming tayo.

"Mayor, okay lang po kayo?"Tanong ko pa sa kanya at tinulungan na nakatayo ng maayos.

"Yes, yes,"Natawa s'ya bahagya"Nahilo lang because of the lights"He said and pointed the lights.

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon