Chapter 35

1K 27 3
                                    

A: Last ud for today kase masyado na kayong natutuwa. Emz hahaha! Nakakainspired naman kaseng mag sulat kung ganito naman ang mga readers ko. Hm...kilig na mga bading. And iyong nga, kaya din ako madaming ud ngayon kase bukas dadating ang matagal na nating hinihintay. Pink Venom is coming tomorrow. Waaaaaaaahhh!! Are you gays excited? Ako kase hindi, kase I'm super duper excited na. Manifesting, umahon ang lubog, more lines for Jisoo the chicken, and high notes for Rosé the posie. Guys, don't forget to support our beloved Blackpink and their song Pink Venom, okay? Let's stream the MV, gays!! WOOOOAAAHHH! But for now, ud muna ako. Hehehehe! Have a nice day, gays. Enjoy reading:))



Jennie's POV

"You're sweating. Let me wipe your sweat, baby"

Sambit ko kay Killian nang lumapit s'ya sa amin. Nandito parin kami sa park, mamaya ay aalis na din kami dahil madami pa kaming gagawin.

Hindi naman nagsalita ang anak ko, umupo lang sa tabi ko kaya agad ko s'yang inaasikaso. Umangat ang tingin ko kay Hanbin nang maupo s'ya sa kabilang kong side habang bitbit ang skateboards nila ni Killian.

"I'm also sweating. Hindi mo ako pupunasan?"Bulong sa akin ni Hanbin pero mukhang narinig ng anak ko dahil napatingin s'ya sa amin.

"Hanbin"Suway ko agad. Napatawa lang naman s'ya bago kinuha ang iced tea na dala namin.

Napapatingin naman sa akin si Mina. Napailing nalang ako at binalingan ng tingin ang aking anak.

"Here, drink this"Tinanggap naman ng anak ko ang juice na Inabot ko bago s'ya tumingin sa paligid. Ako naman ay nanatiling tahimik at pinag mamasdan s'ya.

Hindi din naman nag tagal ay umalis na kami. Kasama namin si Hanbin sa kotse dahil may sariling dala si Mina.

"Gusto mo bang samahan kita sa botique mo? Wala namang akong gagawin"Pag puputol ng katahimikan ni Hanbin habang nasa byahe kami.

"Hindi na. Tsaka, baka magtagal ako doon, madami akong gagawin"Tiningnan ko naman ang anak ko na nasa likod"Baby, kina lolo ka muna, ha?"

"Okay po"Sagot n'ya sa akin bago tipid na ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya bago tumingin sa unahan.

Nang makarating kami sa bahay nila Tita ay agad kong pinabantayan si Killian. Ilang paalam pa ang nagawa ko dahil alam kong hindi ako makakauwi.

"Are you free tomorrow night?"Tanong sa akin ni Hanbin habang papunta kami sa shop"Let's date"

"Hanbin, you know that I'm busy. Halos hindi na din ako makapunta sa mga ibang events na dapat pupuntahan ko"

"Your assistant can handle your botique"

"I know, pero gusto ko ako ang gumagawa nang mga susuotin ng mga clients ko. Ayokong mabigo sila, at baka hindi nila magustuhan ang mga gawa ko"Totoong hindi na ako nakakapunta sa mga events na gusto kong puntahan. Ang daming nag e-invite sa akin pero lagi kong natatanggihan dahil sobrang busy ko.

"Thanks for the ride, Hanbin"Sambit ko ng makarating kami sa tapat ng boutique ko.

"That's nothing"He said and kissed my cheeks. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya nanlaki ang aking mga mata.

"Hanbin, I told you-"

"What? Your son is not here."Ngisi n'ya pa"'Yon naman ang gusto mo, right? Pag wala ang anak mo"

"That's not what I meant"Huminga ako nang malalim"I'll go ahead"Hindi ko na s'ya hinintay pang makasagot, tumalikod na ako at pumasok sa loob. Napailing nalang ako sa ginawa ni Hanbin. Hindi na talaga ako sanay sa mga ganun pero hindi ko s'ya maawat.

After the rain dropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon