A: Have a nice day, gays. Enjoy reading:))
Lisa's POV
"Shoot"
Sambit ko pa at ganun nalang ang ngiti ko nang maihulog ko ang bola mula sa three point line.
"Mayabang"Ganun nalang ang pag tawa kina Jisoo na ngayon ay hawak-hawak na ang bola"Binayaran mo ang bola kaya pumunta sa ring"
"Wala nga akong pang load, bayaran pa kaya ang bola?"Pag bibiro ko naman sa kanya.
"Sus, happy ka lang, gago"Hinagis n'ya sa akin ang bola na agad ko namang nasambot.
"Oo nga. Grabe, ibang iba na talaga ang saya mo, ah?"Sambit pa sa akin ni Seulgi bago lumapit na sa akin.
"Well, ganun talaga pag in love"Proud ko pang sagot at pinashoot ulit ang bola.
"Kumusta naman ang date n'yo ni Jennie? Sa compark na ginawa n'yo ng tambayan?"
Tumakbo naman ako upang kunin ulit ang bola bago tumingin sa kanila.
"Okay naman. Nag picture picture kami doon"Ngiti ko pa at nag lay-up.
"Weh? Pagtingin nga. Halos isang linggo na iyong lumipas, wala ka namang pinapakita sa amin"
"Try n'yo nalang puntahan account ni Jennie sa I.G. Sinabi ko kase na ipost n'ya e dahil doon kami madaming pictures"Ngiti ko pa sa kanila.
"Pangit mo"Sambit ni Seulgi sa akin at naupo na sa tabi ni Jisoo upang tingnan ang sinabi ko. Mag popost din sana ako ng picture namin ni Jennie pero hindi ko na nagawa dahil ang dami naming ginagawa sa school.
Habang nag lalaro ako dito ay iyong dalawa naman ay busy na sa kanilang phone.
"Sure ka, tol?"Rinig ko pang tanong ni Jisoo sa akin.
"Oo, nag sabi ako sa kanya, and sabi n'ya ipopost n'ya"
"Wala naman, e"Sambit ni Seulgi kaya napatigil ako sa aking pag lalaro.
"Refresh mo"Sambit ko pa sa kanya.
"Okay"He said and I looked at him. Pero ganun nalang ang pag kamot n'ya sa ulo bago tumingin sa akin"Tol, wala talaga. Ang last post ay noong city meet pa"
"Sa akin din, ganun"Sagot naman ni Jisoo kaya naman agad akong lumapit at tiningnan ang kanilang phone.
"Bakit ganun...?"Tanong ko pa at tiningnan ang account ni Jennie pero wala nga, iyong huling post n'ya ay iyong silang mag kakaibigan noong city meet.
Ramdam ko naman na napatingin sa akin ang dalawa nang ibalik ko ang cellphone ni Seulgi.
"Baka ano lang..."Tumayo si Seulgi"Nakalimutan, tol. Oo, ganun talaga ang mga babae. Si Irene nga, minsan din ay nakakalimutan akong replyan dahil daw nakatulog s'ya or nakalimutan"Tinapik n'ya ako sa aking balikat. Alam ko naman na pinapagaan n'ya lang naman ang aking nararamdaman.
"Sinabi n'ya ba talaga sa'yo?"Tanong pa sa akin ni Jisoo.
"O-oo"Tumango ako at pinabasa sa kanila ang conversation namin ni Jennie after that day.
"Baka nakalimutan"Tumango din si Jisoo"Sabi mo, busy din s'ya sa school at training n'ya. Wag mo nalang isipin pa"
"Siguro nga..."Napatingin ako sa kanyang account bago napabuntong hininga.
"Oh, pinost pala tayo ni nurse Noze"Ganun nalang ang pag tingin namin ni Jisoo kay Seulgi na ngayon ay nakatingin sa kanilang phone.
"Anong post?"Kinuha ni Jisoo ang phone n'ya at tiningnan din iyon. Sumilip naman ako at tiningnan ang pinost ni Noze.
BINABASA MO ANG
After the rain drops
أدب الهواةWhat if the famous and good-looking Jennie Kim meets the ordinary and poor guy Lisa Manoban? A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!