Chapter 14

1.3K 28 10
                                        

A: Have a nice day, gays. Enjoy reading:))





Lisa's POV

"Hahays! Iba talaga pag in love, nagiging mayaman, e no?"

Ganun nalang ang pag Iling ko at tumingin ulit sa aking ginagawang gift na ibibigay ko kay Jennie. It was her portrait. Iyong ginawa kong portrait ay hindi ko na nabigay dahil nasama iyon sa mga nabasa nung naabutan kami ng ulan.

"Magkano itong frame?"Tanong naman sa akin ni Seulgi at naupo sa aking tabi.

"Mura lang iyan. Sa shoppee ko nakita"Sagot ko pa at tiningnan ang aking ginawa. Ganun nalang ang ngiti ko dahil malapit na iyon matapos.

"Kuyaaaaaa!!"

"Ayan na si bantot, mag hahasik na ng kabantutan dito sa gotohan"Pang aasar ng dalawa sa aking kapatid na ngayon ay bagong dating.

"Mga piste kayo"Sagot sa kanila ni Francine bago tumingin sa akin"Kuya"

"Oh?"Tanong ko naman sa kanya.

Nakita ko pa kung paano s'ya napatitig doon sa portrait ni Jennie bago tumingin sa akin"In love ka na n'yan?"Tanong n'ya pa sa akin habang ako naman ay ngumiti lang"Psh!"Ngiwi n'ya pa at naupo sa aking tapat.

"Ano bang ginagawa mo dito, bantot?"Tanong pa sa kanya ni Jisoo.

"Ito oh"Ganun nalang ang pag tingin namin sa isang invitation na nilapag n'ya sa aming tapat"Birthday ni Ally sa August, invited daw tayo"

"Weh?"Agad kinuha ni Seulgi ang invitation at tiningnan iyon"Hala, oo nga no? Ah, debut?"

"Oo"Tumango si Francine sa amin"Wala pa nga akong nabibiling gift sa lukang iyon"

"Yaman yaman naman noon, kahit wala na"Sagot pa ni Seulgi at binalik na ang invitation sa loob ng lalagyan noon.

"Portrait ko s'ya"Sambit ko naman at tiningnan ang invitation.

Ganun nalang ang pag ngiti ko nang makita ang name ni Jennie. Kasali s'ya sa 18th wishes ni Ally. Lahat silang mag kakaibigan kaya naman alam kong makikita ko s'ya doon.

"Teka, hindi ba nakakahiya?"Nguso naman ni Jisoo"I mean, for sure, engrande iyon. Ano nalang tayo doon?"

"Edi taga kain"Tawa naman ni Seulgi kaya napatawa din kami ni Francine.

"Halatang patay gutom ka"Sagot naman ni Jisoo"I mean kase, anong susuotin natin doon? Suit? Tux? My god, mayamang party iyon, mga tol"

"Simple celebration lang naman iyon dahil si Ally iyon"Sagot naman ni Francine"Hindi naman maarte iyong kaibigan ko na iyon, ayaw pa ngang mag pa party pero iyon daw ang gusto nila Ate Noze for her. And sabi n'ya, semi-formal attire okay na"

"Oh, ganun naman pala, e. Ang dami dami nating polo d'yan"Sagot naman ni Seulgi"Sabihin mo kay Ally, salamat sa pag invite"

"Sure"Kindat ni Francine at tiningnan ulit ako"Akala ko ba, si ate Noze?"Tanong pa sa akin ni Francine kaya doon ako napatingin sa kanya.

"Huh?"

"Bakit si ate Jennie? Gusto mo ba talaga s'ya?"Seryosong tanong n'ya kaya naman napatingin ako sa aking mga kaibigan bago sa aking kapatid.

"Oo, bakit ba?"

"Wala naman"Bumuntong-hininga s'ya"Hindi ko lang inaasahan na iyong ang gusto mo, e ang taray-taray noon"

"Mabait iyon"Ngiti ko naman sa kanya"Once na makilala mo, masasabi mo na mabait s'ya"

"Titingnan natin"She shrugs her shoulder"Sigeh, uwi muna ako ng bahay at may tatapusin muna ako"Tumango naman kami sa kanya at kumaway.

After The Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon