A: Hi gays!!! Namiss n'yo ba ako? Yes? Sus, alam ko namang hindi. Emz hahaha. Ito nga, nag sulat ako kahit may lagnat kase miss ko na kayo, tapos may klase pa bukas so talagang rush na. Huhuhuhu may sakit ang baklang author kaya sorry in advance if medyo lame itong chapter. Promise, bawi talaga ako sa inyo. Bawi ako, ah? Wag kayong mag sawa sa akin Hahaha. Iyon lang naman po. Have a nice days, gays. Enjoy reading:)?
Lisa's POV
Saan na ito patungo?....
Hindi ko na kase alam....
Hinahanap ang sagot sa bakit....
Hindi ko na kase alam....
Ganun nalang ang pag hilamos ko sa aking mukhang habang nandito ako sa gotohan. Saktong nag papatugotog si Tita sa radio at iyon ang kanta.
Ay yakapin mo ako....
Kahit hindi na totoo....
Maiintindihan naman kita....
Kung sawa kana....
Kung saan ka sasaya....
Wag kang mag alala....
Oks lang ako....
Mahigit isang buwan na ang lumipas noong nalaman namin ang tungkol kina Jennie at Kai. At sa isang buwan na iyon ay para parin akong nangangapa sa dilim.
Alam mo iyong kaya mo namang kumilos pero wala kang gana. Iyong wala ka namang sakit pero pakiramdam mo ay parang ang bigat bigat nang dinadala mo.
Ganun ang nararamdaman ko simula nung iwan ako ni Jennie. Hindi ko alam kung ano bang dahilan n'ya noong una pero ngayon ay alam ko na.
He chose Kai over me.
Pero kahit ganun, alam ko sa sarili ko na mahal ko parin si Jennie. Mahal na mahal ko parin s'ya kahit sinasaktan n'ya ngayon ang puso ko.
Hindi ko alam kung paano mag sisimula pero susubukan ko. Susubukan ko na maging katulad noon, noong hindi ko pa nakikilala si Jennie.
"Oh, tulala ka na naman"Iyon ang akbay sa akin ni Jisoo kaya napatingin ako sa kanya.
"Ah, wala, may iniisip lang"Tipid na ngiting sagot ko naman sa kanya"Malapit na ang birthday ni Rosé, diba? Anong plano mo?"Tanong ko pa sa kanya dahil sa 11 na iyong birthday ni Rosé. Feb 6 na ngayon at malapit na din ang Valentine's day.
I wish she was here, celebrating Valentines with me.
"Iyon na nga ang Iniisip ko, tol"Kamot noo n'yang sagot sa akin"Five days nalang, birthday na ng bibe ko. Ano kayang magandang gift?"Tanong n'ya pa sa akin.
"Ewan ko, ako ba boyfriend n'ya"Sagot ko naman sa kanya"Ano bang mga gusto n'ya? Iyon nalang"
"Ang gusto noon, kumain. Kumain nang kumain"Sagot n'ya pa sa akin.
"Oh, edi mag mukbang kayo sa birthday n'ya"Sagot ko naman sa kanya.
"Di, malabo kase kami na mag sama sa birthday n'ya kase nasabi n'ya sa akin, may dinner silang family. Sa 10 ko na s'ya isusurprise hanggang sa mag 12am ng Feb para ako ang kasama n'ya sa birthday n'ya"Ngiti n'ya naman sa akin. Napangiti naman ako dahil halatang halata sa kanya na excited na talaga sa kanyang gagawin for Rosé's.
Naalala ko naman iyong mga gusto kong gawin para sa amin ni Jennie. Nung birthday n'ya, hindi ko na s'ya nabati kase bakit pa? Ngayon din dapat na darating na Valentine's, may gagawin akong surprise pero hindi ko na magagawa.
BINABASA MO ANG
After The Rain Drops
FanfictionWhat if the famous and good-looking Jennie Kim meets the ordinary and poor guy Lisa Manoban? A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!
