Chapter 43

1.9K 35 3
                                        

A: Don't forget to stream 'Pink Venom'. Have a nice day, gsys. Enjoy reading:))




Jennie's POV

"Wake up na, baby."

Hinalikan ko ang likod ng kamay ni Killian. Nandito na kami ngayon sa room na kinuha namin para sa kanya. Wala parin s'yang malay kaya hindi na nawala ang pangamba ko.

"I still can't believe that you guys are now parents"Napatingin naman ako kay Jisoo na ngayon ay nakatingin din kay Killian. Dumating s'ya upang dalhan ng damit si Lisa"Kahapon ko lang nalaman sa news but hindi ako maniwala, akala ko biro lang ni Lisa"Dagdag n'ya pa at tumingin sa akin.

Bumukas naman ang pinto ng cr dito at niluwa si Lisa na bagong palit. Puro dugo kase ang damit n'ya dahil sa pag buhat kay Killian.

"Tol, sabi nila mama, pupunta na sila dito nila pikit"Tumango lang naman si Lisa bago tumingin kay Killian. Lumapit Ito sa amin bago din hawakan ang kamay ng anak namin. Tumingin ako sa kanya pero sa anak lang namin s'ya nakatingin.

"Pupunta akong presinto"Nasa anak parin namin s'ya nakatingin. Kinabahan naman agad ako.

"Lisa..."Tumingin s'ya sa akin pero wala akong mabasang reaksyon sa kanyang mukha"Please, dito ka muna"

"Kailangan kong sampahan nang kaso ang lalaking iyon...."Mahina pero mariin n'yang sambit sa akin kaya ganun nalang ang pag bagsak ng mga balikat ko.

"Alam ko..."Mahina kong sambit, pagod na ang katawan ko"But we need you here. What if magising si Killian, at Ikaw ang una n'yang hahanapin?"Napaiwas lang naman s'ya bago napahinga nang malalim.

"If you want, tol, ako na at ang attorney natin ang pupunta doon. Jennie's right, kailangan ka nila dito, lalo na ni Killian"Gusto kong pasalamatan si Jisoo dahil sa kanyang sinabi.

"Fine..."Para naman akong nakahinga nang maluwag sa pag payag n'ya. Hinawakan ko naman ang kamay n'ya kaya napatingin s'ya doon bago sa akin.

"I promise, pag gumaling si Killian, pupuntahan natin si Hanbin. Hindi din ako papayag na hindi ko s'ya makakaharap. But for now, anak muna natin ang ating unahin"Tumango naman s'ya kaya bahagya akong napangiti. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat n'ya bago tingnan ang aming anak.

At least, kaya na ni Lisa na kontrolin ang sarili n'ya. Alam kong galit parin s'ya kay Hanbin at parang hindi na mawawala pa, pero pag si Killian ang pinag uusapan, susunod s'ya.

Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Si Lim at isang nurse ang pumasok.

"We'll just check his vitals"Tumango naman kami sa kanya. Lumapit naman ang nurse at sinuri si Killian. Si Lim naman ay kinakausap si Jisoo ngayon.

"Nandito na daw sila"Sambit ni Jisoo"Sunduin ko lang. And deretso na din ako sa presinto"

"Thank you, Jisoo"Sambit ko kanya.

"That's nothing. Hindi kami papayag na hindi mag bayad ang mga nananakit sa mahahalaga sa amin"Tumango si Lim at Lisa, sang-ayon sa sinabi ni Jisoo.

"One pouch, one million"Ngisi ni Lim kay Jisoo.

"Tss..."Napatawa lang si Jisoo bago tapikin ang kaibigan sa balikat"Wait my one million in your account, then"Narinig ko naman ang matunog na ngisi ni Lisa.

"Gawin mo ng five million. Sa akin 'yon four"Sambit ni Lisa kaya tiningnan ko agad s'ya nang nambabanta. Alam ko ang pinag uusapan nila. Sa kanya iyon apat na suntok. Isang suntok, isang million.

"Anong magandang gawin sa five million?"Sumabay na din si Lim sa mag kaibigan kaya napailing nalang ako"Wala na akong maisip pang gawin sa five million. I'll just donate sa charity"

After The Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon