Chapter 3

1.3K 33 2
                                        

Noze's POV



"Yes, ate, masarap doon. Hindi ko nga lang ulit natitikman dahil nga hindi pa ako nakakadaan ulit sa balagtas"

Napatingin ako sa aking kapatid na ngayon ay inaayos ang kanyang gamit dahil aalis daw s'ya with her friends.

While me, wala naman akong pasok and practice so nandito lang ako sa bahay.

"Are you sure? I'm going to try it din kase"Sagot ko naman sa kanya kaya napatingin sa akin si Ally.

"Ate, masarap nga. Try mo. Bakit hindi mo din isama sina ate Jennie?"Tanong n'ya pa sa akin.

"I know na hindi sila sasama"Sagot ko naman sa kanya"Daddy loves goto, right? I'm going to bought him na din"

"Hmm.."Tumango-tango pa s'ya"Anyway, I'll go ahead. Text me nalang if nakabili ka na"She said and I nod my head"Bye, ate, seeyaa later"

"Enjoy"I said to her and she just waved her hand to me. Nang makita kong umalis na s'ya ay ganun nalang din ang pag upo ko dito sa living room.

Maaga pa naman, mag lu-lunch palang so mamaya nalang ako dadaan sa may gotohan.

Napatingin ako sa aking phone at pinag masdan ang pictures naming mag kakaibigan.

Madaming nag sasabi sa akin na bakit pa ako nakasali sa circle of friends nila Jennie, e masasama naman daw ang mga ugali nito. Well, may pagkamaldita sila but mababait din naman. Sa kanila ko lang naramdaman iyong tunay na saya dahil noong una ay wala talaga akong kaibigan.

Sa Manila ako nakatira, lumipat lang nung mag co-college na, and sila ang una kong nakilala nung pumasok ako sa LPU. I thought, they going to bully me but hindi.

Dahil wala naman akong gagawin today ay naligo nalang ako sa pool area namin. I'm just wearing my bikini and shades.

Buti nalang at maganda ang panahon ngayon kaya medyo mainit.

After that, umalis na ako at pumunta sa aking room upang mag banlaw. I take a quick shower and wore my clothes.

"Daddy"I said when I called him thru phone

"Hello, sweetie"He said and i smiled.

"You want some goto?"Tanong ko pa sa kanya habang inaayos ang aking buhok.

"Goto?"

"Hmm..."Tumango naman ako"I'm going to try it kase, and I know how much you love that, right? You want some?"

"Of course. But wait"He stopped"Are you going to go over here"

"Yeah..."I said and put my lipstick on my lips.

"Where's Ally?"

"She's with her friends po, having fun."

"I see. I'll end this call okay? I have a lot of work to do pa. If pupunta ka dito, call me again"

"Alright. See you later, mayor"

"See you later, sweetie"He said and end the call. Ganun nalang ang ngiti ko dahil talagang close na close kami ni Daddy. Well, close din naman ako kay Mommy but daddy's girl kase ako. While Ally, mommy's girl.

Nang matapos ako ay kinuha ko lang din naman ang aking gamit bago lumabas ng bahay namin. Ganun nalang ang pag alalay sa aking ng mga bodyguards ni Daddy dito hanggang sa makasakay ako sa aking car.

Hindi ko nalang sasabihin sa aking mga kaibigan na bibili ako ng goto dahil alam ko na agad ang sasabihin nila sa akin.

Mukhang nalate pa ako ng dating dahil parang close na iyong store nang makarating ako.

After The Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon