KISAPMATA III

10 3 0
                                    

[Kabanata 3 - Pangalan]

GULAT na napatingin si Rafael sa akin matapos niya akong makilala. "Binibini?" pagtawag niya sa akin na tila ba nakikilala niya ako.

"Sino ka?" wala sa sariling tanong ko rin para lang matakasan siya.

Saglit kaming hindi nakapagsalita at napatingin lang sa isa't isa, hindi ko akalaing magtatagpo na naman ang landas naming dalawa. Ewan ko kung hindi niya ba talaga alam na nandito ako o stalker lang talaga siya.

"Kung sana nga lang ay hindi mo na talaga ako maalala upang malimutan lamang ang ating unang pagtatagpo," saad niya at sa pagkakataong iyon ay muli nang namutawi ang pagsisisi sa mga mata niya.

"Bakit mo ba kasi ako yinakap, ha? 'Yung totoo, sinasadya mo 'yon, 'no?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

Nagulat siya dahil sa naging banat ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, balot na balot na naman siya ng mga damit niyang masyadong nalapit sa kulay na itim. Bagay din naman sa kaniya ang kulay na 'yon dahil sa puti niya. Nakasuot siya ng coat.

"Bakit nasa iyo ang librong iyan?" Imbis na sagot ay tanong din ang natanggap ko.

"Wala, nakita ko lang dito. Bakit, ikaw ba ang nagsulat nito?" tanong ko ulit.

Napakurap siya habang nakatingin sa akin para mag-isip. "Ang pangit." Ako na ang naunang magsalita at hindi na hinintay pa ang sagot niya dahil kung paborito niya mang akda ang librong 'to ay dapat lang siyang masaktan.

Dahil womanizer siya. "Linoloko mo lang yata si Latina, e." Sinimangutan ko siya. Hindi ko akalaing maging sa mundong 'to ay may playboy pa rin.

"Paumanhin, Binibini..." paghingi niya muli ng tawad sa ikalawang pagkakataon.

Saglit ko siyang tinignan habang nakasimangot pa rin. Pero nang may maisip na kapalit ay tila nagliwanag ang mukha ko at napahinga na lang nang malalim para itago ang ngiting malapit nang sumilay sa akin.

"Sige, pinapatawad na kita. Pero sa isang kondisyon, akin na lang ang librong 'to," taas-noong saad ko na ikinatigil niya, bakas sa mukha niya ang pagtutol dahil nag-iisa lang ang kopyang ito.

"Ngunit..." Hindi niya na natapos ang dahilan niya para tanggihan ako dahil humakbang na ako at linagpasan siya. Agad niya akong hinabol palabas pero napatigil ako nang bigla ay hawakan niya ang kamay ko.

Hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa aklatan. Mabilis ko siyang liningon at agad niya naman akong binitawan. Malapit na akong sumabog ngayon dahil nakakailan na siya!

"Sandali, Binibini. Ano ang iyong pangalan?" tanong niya na hindi ko inasahan.

"Ha? Bakit gusto mong malaman?" tanong ko, kumunot din ang noo ko. Hindi ko na nga maalala ang sarili ko, tatanungin niya pa ako nang ganiyan.

"Upang isumbong ka sa hukuman dahil kinukuha mo ang bagay na hindi mo naman pag-aari..." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mahina niyang sinambit.

"Ikaw nga, nangyayakap, e. Alis na nga ako!" inis na wika ko at tinignan siya bago tuluyang naglakad paalis.

Naiwan siya roong tulala sa labas ng aklatan at walang ibang nagawa kung hindi ang tanawin ako hanggang sa tuluyan na akong mawala sa paningin niya dahil kumpara sa sinabi niya ay mas malaki ang panakot ko sa kaniya at alam ko na hindi niya rin naman gustong malaman iyon ng lahat.

"TALAGA? Nagkita kayo ni Rafael?" gulat na tanong ni Latina matapos kong maibahagi sa kaniya na nakita ko si Rafael sa aklatan.

Nandito kami ngayon sa Panciteria de Pasencia at tinuturuan niya ako kung paano maging serbidora. Nagsimula na ang pagdagsa ng mga tao rito na ikinatuwa ni Aling Pasencia, may mga bagong trabahador na rin na kasama namin dito sa loob.

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon