KABANATA XIV

4 3 0
                                    

[Kabanata 14 - Pag-ibig]

TULALA kong pinupunasan ngayon ang lamesa sa Panciteria de Pasencia. Hindi ko alam kung bakit lumulutang ang isip ko. Isang linggo na rin simula nang hindi kami magkita ni Rafael at magkadaung-palad sa may kung saan dahil kagaya ng sinabi niya sa akin ay umalis na siya sa Santa Prinsesa.

Sa totoo lang ay hindi ko rin lubos na maunawaan ang sarili ko, kung bakit may parte sa akin na gustong sundan siya kahit na hindi ko naman alam ang daan papunta sa Maynila. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko siyang makita ulit, gusto ko siyang makasama dahil aaminin ko nang miss ko na talaga siya.

"Kiara... ayos ka lang?" tanong sa akin ni Latina isang araw.

"Ha? Oo," maagap na sagot ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng menu upang magpantay-pantay sila ng pagkakapatong.

Napabuntong-hininga na lang siya, "Bakit pa nga ba ako nagtatanong kung halata naman sa iyo ang sagot," saad niya at napailing sa akin.

Tinignan ko siya, hindi gaya noong mga unang araw kung saan tinapos na ni Rafael ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ay mukhang okay na siya ngayon. Maaliwalas na ang kaniyang mukha at ngiti, kagaya lang noong una ko siyang nakilala.

Napatingin siya sa malaking daan ng panciteria kung saan labas-pasok ang mga tao habang ako naman ay hindi na inintindi pa ang sinasabi niya at nagbalik na ng tingin sa mga menu.

Nagbalik ng tingin sa akin si Latina at kinalabit ako pero hindi ko na rin siya binigyan pa ng pansin dahil alam ko namang tungkol kay Rafael lang ang sasabihin niya. Paulit-ulit niya akong kinalabit pero dinampot ko lang ulit sa lamesa ang mga patong-patong na menu at pinantay din 'yon sa lamesa kahit pantay na naman.

"Magandang umaga, Ginoong Luis..." rinig kong bati ni Latina sa dumating, hindi ko na sila pinansin at binitawan na rin ang menu bago tumalikod pero nakailang hakbang pa lang ako nang bigla ay mapatigil ang paa ko matapos mapagtanto kung kaninong pangalan ba ang binanggit niya.

"Magandang umaga rin sa inyo, mga Binibini..." pagbati ni Luis pabalik at kasabay niyon ay ang paglingon ko sa kaniya. Napangiti ako nang marahan matapos makitang siya nga iyon.

Sinulyapan ako ni Latina na noo'y nakangiti rin, "Kiara, ikaw na ang bahala sa ating parokyano. Mauuna na po ako, Ginoo," paalam ni Latina kay Luis na nagpangiti at tango rito.

Umalis na si Latina at pumasok sa loob kung nasaan ang kusina at ang tirahan namin sa ikalawang palapag, mga kuwarto lang iyon. Nagbalik na ako ng tingin kay Luis at napahinga nang malalim bago siya pinaupo sa isang lamesa. Binigyan ko rin siya ng menu na kanina ko pa inaayos.

"Pumili ka lang d'yan tapos maghintay ka ng ilang minuto pagkatapos," wika ko habang nakaangat siya ng tingin sa akin, sa mga kamay niya ay nandoon na ang menu na gawa sa plastic.

Tumango siya at tahimik na tinignan isa-isa ang mga pagkaing nakasulat sa menu ng Panciteria de Pasencia, ako naman ay nanatili lang sa harap niya upang kapag tapos na siyang mamili ay agad kong sasabihin iyon sa mga kusinera at kapag natapos na ng mga pa kusinera na lutuin ang putahe ay agad akong babalik sa kaniya para dalhin ang pagkain.

Nararamdaman ko na malapit na sa pagiging tanyag ang panciteria na ito, maraming mayayaman ang pinipiling kumain dito gaya na lang ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa tagal ay hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa kay Luis.

Mabuti na lang at nakatingin pa rin siya sa menu. Napahiga na lang ako nang malalim at ilinibot muna ang tingin ko sa paligid dahil balak niya na yatang order-in ang lahat dito sa panciteria sa tagal.

"Nahanap mo na ba 'yung gusto mo?" maya-maya ay tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa labas.

"Oo..." sagot niya. Nagbalik na ako ng tingin kay Luis dahil doon at nagtama ang paningin namin nang makita ang titig niya sa akin.

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon