[Kabanata 15 - Pahiwatig]
NAPAKAGAT ako sa labi ko ko nang muling sulyapan si Rafael na ngayon ay payapang natutulog sa kama ko. Sa hindi malamang dahilan ay hindi na mapigil pa ang puso ko sa pagkabog. Umiwas ako ng tingin at napahawak na lang sa tapat ng puso ko.
Hating-gabi na at hindi ko malaman ang dapat gawin kanina dahil biglang nawalan ng malay si Rafael, ganoon rin siguro ang naramdaman niya sa sandali noong nawalan ako ng malay dati. Hindi ko alam kung ano ba ang problema naming dalawa at lagi na lang mahihimatay.
Pero siya, paniguradong dahil sa pagkalasing. Wala na akong choice kung hindi dalhin siya rito dahil sa sobrang pagkataranta kanina. Wala pa sa laki ng bintana ng bahay niya ang kuwarto ko kaya nakakahiyang dalhin siya rito. Baka mamaya ay magkaroon pa siya ng allergy kasi luma na 'tong silid ko. Rich kid pa naman din siya.
Pinunasan ko na siya pero bukod doon ay wala na akong ginawa pa, wala naman akong karapatan. Sa dibdib niya lumipat ang mata ko. Napahinga ako nang malalim bago tumayo para ilagay hanggang sa balikat ang kumot kong binigay ko muna sa kaniya. Nakabukas ang bintana kung saan pumapasok ang sariwang hangin, mukhang hindi naman ako nagpakahirap na siya'y dalhin rito dahil sa bigat niya.
Matapos kong pagmasdan saglit ang payapa niyang mukha ay tumalikod na ako sa kaniya pero umupo pa rin naman sa kama, akin kaya 'to. Pero hindi ko lubos akalaing may ganito palang hitsura na nabubuhay dito. Ang unique ng mukha niya at talaga namang guwapo, hindi ko akalaing hindi niya malilimot ang gaya ko.
Bukod sa munting kama ay mayroon ding maliit na desk sa tabi nito kung nasaan din ang aparador ko. Lampara ang nakapatong ngayon sa desk kong gawa sa kahoy; karamihan naman ng gamit dito sa panciteria ay gawa roon. Bukod sa dalawang 'yon ay wala nang iba rito maliban na lang kay Rael na tulad ng kapangalan niya ay tulog din sa basket na sarili niyang tahanan.
Nasa gilid lang siya ng pinto. Gusto ko sana siyang kulitin dahil ang cute niya talaga kahit ano man ang gawin niya pero ayoko rin naman na istorbohin ang pagtulog niya kaya 'wag na lang. So, ako lang ang walang tulog ngayon sa aming tatlo. Hindi rin naman ako makakatulog lalo na't gamit ni Rafael ang kama ko. Sa palagay ko ay uupo na lang ako rito magdamag hanggang sa muling sumapit ang haring araw para bantayan siya, sila ni Rael.
Pinagsalikop ko na lang ang daliri ko sa kamay at dinapuan ng tingin ang bintana kung saan magagawa kong makita ang kalangitan. Inaantok man pero kaya ko 'to, good luck na lang sa muling pagsapit ng araw.
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Inaantok pa talaga ako kaya pinili kong hindi muna idilat ang mga mata ko. Pinilig ko ang ulo ko sa bagay na yakap ko at yinakap din siya nang mahigpit.
Pero dahan-dahan akong napatigil matapos tuluyang maramdaman na may nakayakap sa akin pabalik, may mukha rin na nakasuksok sa leeg ko. Sa pagkakataong iyon ay kusa nang nagising ang diwa ko. Sabay kaming napadilat ni Rafael at gulat kaming napatingin sa isa't isa nang makitang magkayakap kami ngayon sa kama!
Gulat akong napabitaw sa kaniya at napatayo. Nagulat din siya matapos akong tignan at napaiwas ng tingin. Napatingin na siya sa katawan niya na ngayon ay hindi na nababalot ng kumot. Nanlaki ang mata ko matapos maalalang tinanggal ko nga pala ang butones ng polo niya kagabi dahil pinunasan ko siya!
"A-anong nangyari..." tanong ni Rafael sa sarili habang nakatulala. Nanatili ang siko niyang nakatukod sa kama bago ako sinulyapan. Muli na naman siyang umiwas ng tingin at tumayo.
Naglakad siya papunta sa pinto kung saan sa tabi niyon ay naroon lang din ako. Kinuha niya ang puting balabal na nakasabit sa nakasarang pinto at ipinatong iyon sa balikat ko habang iwas pa rin ang tingin sa akin. Doon ko lang napagtantong kaya pala ayaw niya akong tignan ay dahil ang nipis lang ng suot kong bestidang puti.
BINABASA MO ANG
Kisapmata
Historical Fictionkisapmata // historical fiction story Matapos ang aksidenteng nakaharap, si Kiara na nagmula sa isang malaking pamilya ay nawalan ng ala-ala sa isipan at nakalimutan ang kaniyang totoong mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng ka...