KISAPMATA XXXII

6 2 0
                                    

[Kabanata 32 - Puso]

"ANG lakas ng ulan!" Ang sigaw na narinig ko mula sa iba't ibang panig ng lugar na ito. Hindi ako gumalaw, nanatili lamang akong nakasandal sa pader at pinagmasdan ang buhos ng ulan mula sa labas ng palengke.

Nandito ako ngayon sa lugar na ito para mamili at maggala pero hindi inaasahang bumuhos ang ulan.

Wala naman akong dapat pakielam sa paligid nang biglang may dumating sa tabi ko. Napatigil ako matapos siyang makilala, si Manang Coralia. May dala siyang bayong at mukhang namimili siya ngayon dito. Tinitigan ko siya at sa naaalala ko, siya ang mayor doma ng Hacienda Rosales.

Sandaling nanatili ang tingin niya sa akin na tila kinikilala ako. "Binibining Kiara Alvarez?" wika niya na tila ba nakikilala niya ako. Umalis na ako sa pagkakasandal sa pader.

Binalingan ko siya ng tingin, "Ako nga..." saad ko at pilit na ngumiti.

"Kumusta ka?" tanong niya at ngumiti habang pinagmamasdan ako. Himala at ganito ang trato sa akin ng isang tao na hindi ko naman nakausap noon.

"Maayos. Masaya..." pagsisinungaling ko sa huling kasagutang binigay ko na hindi naman talaga.

"Kumusta kayo ni Rafael?" tanong ulit ni Manang Coralia at sa pagkakataong iyon ay napatigil na ako.

Napangiti ang matanda dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko na lamang pinansin ang tanong niya, nanahimik na lang ako habang patuloy ang pagbuhos ng ulan.

"Tandaan mo. Walang malaking bagay na kamalian kay Rafael... maliban na lang kung iwan mo siya," sambit niya na muli kong ikinatingin sa kaniya.

"Alam kong hindi pa ito ang huli sa inyong dalawa. Mauuna na ako, hija. Hanggang sa muli nating pagkikita," paalam niya at ngumiti bago nauna nang maglakad paalis ng palengke.

Sa sandaling iyon ay namutawi na ang emosyon sa mukha ko. Napasandal na lang akong muli sa pader at sumulyap sa kalangitan kung saan patuloy ding pumapatak ang ulan. Sana nga'y tama si Manang Coralia, sana'y hindi pa nga huli ang lahat para sa amin ni Rafael.

MALAKAS na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin pagkarating sa lugar na ibig ko ngayong masilayan, ang aklatan. Pinagmasdan ko ito at marahang napangiti, parang kailan lang. Parang kailan lang nagsimula ang pag-ibig ko para kay Rafael.

Sino ba ang mag-aakala na mayroong tao na magagawa akong mahalin dati kahit na ang sarili ko ay hindi ko rin maalala. Hindi ako makapaniwalang magagawa kong umibig sa mundong ito na wala mang kalinawan ay tunay ko pa ring minamahal.

Bigla ko ring naalala ang isang bagay na ilang beses ko nang narinig mula kay Rafael matapos ang ilang taon at ang salitang iyon.

Sinabi niyang mahal niya pa rin ako, at ano ngayon ang dapat mangyari?

Nakatakda na siyang ikasal sa isang tao, at hindi ako iyon.

Walang dapat mangyari.

Ngunit naglaho ang lahat ng bagay na iniisip ko matapos matanaw si Rafael na noo'y pumasok sa aklatan. Umalis ako sa pader na pinagtataguan ko at huminga nang malalim, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Pumikit ako nang mariin, iniisip ang dapat gawin. Pero sa huli ay pinili ko na maglakad na papunta sa aklatan, pasunod sa kaniya.

Nagsimulang kumabog ang puso ko nang tuluyang makapasok sa loob ng aklatan. Isang malamig na hangin sa loob ang naramdaman ko habang 'di rin inaalis ang tingin kay Rafael. Siya ay nakatalikod pa rin ngayon sa akin, hindi nararamdaman ang presensya ko mula sa likuran niya.

Ngunit nang tuluyang makarating sa likuran niya, muntik ko ring matapik ang likod niya pero mabuti na lang at naiwan sa hangin ang kamay ko bago tumikhim na lamang.

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon