[Kabanata 12 - Kaibigan]
MALAKAS akong napatikhim nang matagpuan ko si Rafael sa sitwasyon iyon. Imbis na umalis na ay pumasok pa rin ako sa loob ng kuwarto niya para tulungan na siyang magbihis.
Doon na siya napatigil at napasunod ng tingin sa akin hanggang sa tuluyan na rin akong makaupo sa tabi niya sa kama. Nakasuot na siya ng pantalong kulay itim pero wala pa ring damit sa itaas kaya nakita ko tuloy ang hubog ng katawan niya. Infairness, talagang maganda ang katawan niya.
Muntik ko nang bilangin kung ilan ang abs niya pero mabuti na lang at may control pa ako. Focus lang sa goal, Kiara!
Hinatak ko siya palapit sa akin dahil nahihirapan akong i-butones ang polo niyang puti. Layo kasi siya nang layo, ang gulo niya talaga. Pinapunta niya pa ako rito para layuan lang din?
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya habang tinutulungan siyang magbihis ay parang may galit din ako. Siya ang nagbutones sa ibaba at ako naman sa itaas. Napahawak siya sa kwelyo niya habang nakatitig pa rin sa akin dahil nasakal ko yata siya pero wala akong pakielam dahil sinaktan niya kaya si Latina, dapat lang sa kaniya 'to.
Nang matapos kaming magbihisan ay tinignan ko na rin siya at doon ko lang napagtanto na namumula na pala siya ngayon dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung first time niya lang ba 'to pero atleast, may experience na siya. Mas alerto na siya dahil may near death experience na rin siya.
Napahawak siya sa malaki niyang braso at nag-angat ng tingin sa akin nang tumayo ako. Basa pa sa ngayon ang buhok niya dahil katatapos niya lang maligo. Nasa bahay lang naman siya pero nag-suot pa ng polo.
"Anong kailangan mo?" panimula ko. Nakatulala lang siya sa akin na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ko. Ewan ko sa kaniya.
"K-kailangan--"
"Kailangan mo ako. Alam ko na 'yan, sinabi mo na sa liham. Pero pasensya na dahil hindi naman ako rito Doktor para malaman ang lagay ng puso mo. Mayaman ka naman kaya siguradong maraming Doktor sa puso ang kilala ng pamilya mo. Sa kanila ka humingi ng tulong at hindi sa akin."
"Bukod doon, ano pang kailangan mo?" tanong at pumamewang.
Sandali siyang hindi nakapagsalita dahil hindi niya yata nasundan ang sinabi ko sa haba niyon. Pero sana'y maintindihan niyang tao lang ako na walang maalala. Hindi ko nga alam kung ano bang balak kong maging trabaho sa mundo ko.
"Si Latina." Iyon lang ang tanging nasambit niya.
Napatulala na siya sa kawalan habang nakapatong ang baba sa magkahawak na kamay. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa sinabi niya na kung dapat ba akong maging masaya dahil si Latina pa rin ang laman ng isip ni Rafael. Hindi ko na rin alam.
"Nagkausap na siguro kayo. Ang sabi niya ay alam niya namang wala kang intensyong saktan siya pero iyon na nga ang nangyari. Alam mo bang iyak siya nang iyak buong gabi?" taas kilay na tanong ko para makunsensya siya lalo. Hindi niya alam kung paano ako linayuan ng antok kagabi kaya kulang tuloy ako sa tulog ngayon.
"Hinayaan ko si Ama na gamitin ang aking sarili para sa aming pansariling layunin, at ngayong nandito ka na ay akin na ring napagtanto na mali ang ginagawa kong ito," panimula niya.
"Ako ay labis na nakukunsensya, ibig kong humingi muli ng paumanhin sa kaniya. Ang makita ang luha sa mga mata habang kausap siya ay lubos na nagpapalungkot sa aking damdamin. Nawa'y balang araw ay mapatawad niya rin ako. Sana ay hindi na lang ako dumating sa buhay niya upang lumisan lang din. Ang maiwanan ay isang masakit na bagay."
"Minsan ay napapaisip ako kung wala nga ba siyang naging puwang sa puso ko?" tanong niya habang nakatulala sa kawalan.
Sandali akong hindi nakapagsalita at tinignan lamang siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin dahil wala naman akong alam sa pag-ibig. Hindi ko nga alam kung nagmahal na ba ako noon, dahil blangko lang ang nararamdaman ng puso ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Kisapmata
Historical Fictionkisapmata // historical fiction story Matapos ang aksidenteng nakaharap, si Kiara na nagmula sa isang malaking pamilya ay nawalan ng ala-ala sa isipan at nakalimutan ang kaniyang totoong mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng ka...